Chapter 2: Record

488 17 2
                                    

Chapter 2: Record





"Al beybe!" Nag-angat ako ng tingin kay Leonardo na busy pagtakbo papunta sa'kin. Niyakap niya ko pagkatapos. Ngumiwi ako bago tinulak siya.

"Ang gross! May pawis ka oh!" Umirap siya bago kunwaring pinayapayan ang sarili.

"Maka-gross ka, why? Di ka nagse-sweat?"

"Nahiya naman ang gross ni Al sa way mo ng pagsasalita, Leonardo."

"L nga! L! Makulit ka talaga ever, Arianna Venti, ano?"

"Arianna Venti?" Tumaas ang kilay ni Arianne. Napailing nalang ako bago nagpatuloy sa pagkain.

"Duh! Di ka ba nags-Starbucks?" Umirap na naman si bading. "Anyways, nandito ako para kay Al at hindi para sa'yo, Arianna Venti. Di ma-apply sa'yo ang Arianna Tall kasi di ka naman tall."

"Funny. Ha-ha."


Bumaling ulit sa'kin si L bago nagsimula ng speech niya.


"Alam mo ba? Alam mo ba?" Halos tumirik ang mata niya. Kinikilig 'to for sure. "Mukhang tumatanggap pa rin si Ms. Z ng 1x1 picture. Nagpasa sina Daryl kanina lang pero tinanggap niya with open arms!"


Nakuha niya ang buong atensyon ko. Aba! Tinanggap niya ang picture ng mga 'yon, samantalang ako ay lumabas ng G.O na bigo? Aba! Aba!


Dali dali akong nagmartsa papunta sa Guidance Office at naabutan ko ang kalalabas lang na sina Daryl. At ang mga loko, lahat nagtatawanan! Tinanggap ang 1x1 pictures ng mga 'to ngayon, samantalang ako kahapon pa dapat magpapasa pero pinagalitan lang ako!


"Teka, Al! Baliw ka ba? Wala kang 1x1—" Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni L. Nilagpasan ko ang grupo ni Daryl at dumiretso sa loob ng office. Nakita ko si Ms. Z na busy makipag-usap sa Nurse namin.

"Ms. Z, hindi naman pwede yon!" Gulat siyang napatingin sa'kin. Maging si Ma'am Nurse ay nagulat sa bigla kong pagsabog. "Ma'am, bakit kinuha niyo yung 1x1 picture nila samantalang ako, kahapon pa dapat magpapasa!"

"Ha?"

"Yung 1x1 picture nila." Tinuro ko ang mga pangahas. "Tinanggap niyo pero yung akin—"

"Anong 1x1 picture?" Tumaas ang kilay ni Ms. Z. Parang gusto na rin tumaas ang kilay ko.

"Yung requireme—"

"For your information, Ms. Holmina, nakapagpasa na sila bago magstart ang school year. At itong pinasa nila ay for medical. Nandito ang nurse kaya dito sila nagpasa. Naiintindihan mo ba?" Nanlaki ang mata ni Ms. Z. Maging ako rin. "Naiintindihan mo?!"

"A-ano pong medical?"

"Syempre di ka pa rin nakakapagpasa, pa'no mo malalaman?!" 


Bago pa ko makasalita ulit ay nahila na ko nina Arianne. Mabilis din nilang sinara ang pinto ng Guidance Office. Napatitig nalang ako sa nakasarang pintuan kung saan nila ako binitiwan.


"Edi kung alam mo nung una pa lang nakapagpasa na'ko, diba?" Hinarap ko ang mga kaibigan ko. Pero parang wala akong kinakausap. Busy sa pagtetext si Arianne o busy-busyhan? Habang si L ay busy sa pagpa-fangirl sa sinabi niyang nagpasa daw ng 1x1 picture.

Just For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon