CHAPTER 10: Duet

560 24 8
                                    

Chapter 10: Duet

One week has passed, I can say that the four of us are getting closer and closer day by day. Lagi kaming magkakasama tuwing lunch, lagi kaming gumagala, pumupunta si Ajero at Lala sa bahay tuwing mas project kami. Magkaklase si Sky at Lala kaya lagi silang magkasama.

About that kiss? He confirmed that he was the one I kissed. We decided to not to talk about it. It's not important.

Even though it's my first kiss.

Umayos at bumalik sa kanya kanyang upuan ang lahat nang pumasok sa room ang first teacher namin. Lahat ng atensyon ay nasa harap.

"Announcement. Ayon sa principal, walang klase ngayong araw--"

"YES!"

"Buti naman."

"Makakapag-ML na tayo."

Kanya kanyang ingay ang bumalot sa buong klase. Sino ba namang hindi matutuwa eh buong linggo kaming busy, puro quiz, assignments, at projects ang inaatupag namin.

"Sandali lang! Di pa tapos!"

Tumahimik ang lahat ng sumigaw ang teacher namin.

"Walang klase ngayong araw na 'to dahil pipili kayo ng representative niyo para sa contest sa Music Festival next week."

Pshh, another event.

"Kailangan niyong pumili ng gusto niyong ilaban sa contest. Pwedeng solo or group, basta may alam sa music like singing or playing music instruments. Kailangan niyo nang mamili ngayon para makapag-practice na yung napili niyo at makagawa na kayo ng plano niyo para sa araw ng contest. May memo dito, nakasulat dyan yung criteria for judging. Kung wala na kayong tanong, pwede na kayong magsimula."

Napuno nanaman ng usap at sigawan ang buong klase. Lumabas na si Ma'am. Nagsimula na silang magturuan kung sino ang representative ng section namin.

"Wait lang! Tumahimik muna kayong lahat! Babasahin ko yung memo." Sigaw ng class president namin.

"Every section must have representative/s for the upcoming event. Criteria for judging, singing category. 50% Voice quality. 40% Stage Performance. 10% Audience impact."

Umiling iling nalang ako at dumukdok sa lamesa. Wala akong interest sa mga ganyang event, tutulong nalang akong gumawa ng props.

Nagpatuloy sa pag-announce ang class president namin. Ako? Hindi ako nakikinig. Bahala silang magkagulo dyan.

"Mag pa-audition nalang tayo!" Sigaw ng isa kong kaklase.

Lahat ng mga kaklase ko ay sumang ayon. Nagturuan na sila ng papakantahin nila sa harap. Nakita kong kusang tumayo ang katabi ko sa upuan niya.

"Wag mong sabihing sasali ka dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Ita-try ko lang naman eh. Ikaw, ayaw mo ba?"

Umiling nalang ako. I crossed my arms. Naglakad na siya papunta sa harap. Lima silang nakatayo sa harap, tatlong babae, dalawang lalaki.

Nagsimula na silang kumanta isa isa. Nasa huli si Ajero kaya paniguradong huli din siyang kakanta. Wala akong makitang kaba sa muka niya. I've heard his voice once and I can say that he's a good singer.

Nang matapos kumanta ang pang-apat na kaklase ko ay pumunta na sa gitna si Ajero. Lahat ng kaklase ko ay nagpalakpakan.

Tumahimik ang lahat at nakatuon lang ang pansin nila kay Ajero. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"Pangarap ko ang ibigin ka~
At sa habang panahon~
Ikaw ay makasama~
Ikaw nalang ang siyang kulang sa buhay kong ito~
Pangarap ko~ Pangarap ko~
Pangarap ko~
Ang ibigin, ka~"

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Where stories live. Discover now