Chapter 14 "She's Courting Me, Step One"

1.3K 27 1
                                    

Dedicated sayo sis! Salamat sa pagmessage sa akin haha sobra masaya ako and sa pagbabasa ng story na ito. Dahil sayo ginanahan ako mag update ngayon. Ingat sa bagyo Ruby.

 

[Ran’s POV]

 

Ngiting ngiti ako habang hawak hawak ang lunch box na hinanda ko para kay Alek. Muli ko kinuha ang notebook kung nasaan nakasulat ang mga favourite ni Alek. Sa food ang paborito daw nito ay adobong manok. Bigla ko tuloy naalala kahapon nung kasama ko ang AFClub ang dami nila sinabi kaya naman ginawa ko ay binilang ko kung sino mas marami ang nabanggit at ang nanalo ay dun ko binase na iyon ang favourite food ni Alek

“Adobong Manok” Napangiti naman ako kase hindi masyado magastos. Akalain mo ang playboy na iyon simple lang pala ang paborito akala ko naman iyon paborito noon eh iyong mga mamahalin pagkain, iyon pala ordinary lang kung baga mga pambahay.

Humanda ka sa akin Alek, Alam ko sa una step ko palang sa panliligaw sa’’yo ay matatanggap ko na ang matamis mo, Oo at pagnangyari iyon

“I’m free” Bigla ko ibinuka ang mga kamay ko na wari umiikot ikot pa sa gilid ng bench ng soccer field dahil sa kaligayahan na nadarama. Gusto gusto ko na kase matapos ito kase hindi ko gusto iyong nangyayari sa puso ko pag ang lapit na niya sa akin, sabi pa naman ni lola may lahi kami na may sakit sa puso. Loko iyong Alek na iyon, gusto ko pa mabuhay ng matagal.

“Miss umilag ka!”

“Nako patay matatamaan siya!” habang busy ako sa pag ikot ikot ng dahil sa kaligayahan ay hindi ko namalayan na may paparating na bola, ang bola ng soccer at bigla ako nanigas, hindi ako makagalaw.

Ran, yuko!” walang ano ano ay agad ako yumuko at nakita ko si Alek ay agad na tumalon at sinipa pabalik ang soccer ball sa field. Nadinig ko pa ang palakpakan ng lahat at hiyawan ng dahil sa ginawa ni Alek. Naramdaman ko naman ang mga kamay niya na nasa braso ko at wari inalalayan na tumayo.

“Ran, are you okay?” Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa na parang chinicheck ang buo pagkatao ko. Nakita sa mga mata niya ang pag aalala sa akin. Ako naman ay nanatili nakatingin sa kanya at nung magtama ang mga mata naming para may kung ano ako naramdaman sa puso ko. Ito na naman bumibilis kaya naman umiwas ulet ako ng tingin at medyo umatras ako para kumawala sa paghawak niya sa braso ko.

“I-I’m fine” doon lamang siya tumigil sa ginagawa pag check sa katawan ko kung may galos o sugat or what.

“Ano ba kase ginagawa mo ditto at mukhang na d-day dreaming ka pa?” kunot noo pagtatanong nito sa akin. Namula tuloy ako sa tinanong niya. It means nakita niya ako kanina nakapikit at paikot ikot na parang mukha tanga, Argh nakakahiya!

“Tignan mo muntik ka na matamaan kanina kung hindi lang ako dumating!” pinapagalitan ba ako ng playboy na ‘to? Narinig ko pa siya napamura.

“Paano kung hindi ako dumating at natamaan ka noon? Buti na lang talaga sinundan kita dito” Tuloy tuloy na sabi nito.

She's Courting Me [FIN]Where stories live. Discover now