Chapter 53: Sanchez Brothers

37 5 0
                                    

Dylan's P.O.V

Hoy! Ingatan mo yung Boo ko ah! Papatayin kita pag nahulog siya! Sigaw ko sa isang lalaki na bumubuhat kay Boo. Yabang ko diba? Wahaha

Opo Sir Dylan. Kinakabahan na sagot niya. Senior namin ang lalaking yan ahaha batas kami dito kaya no choice sila wahaha

Teka e kung sumali kaya ako sakanila para ako makabuhat kay Boo?

Aish! Bukas na pala ang laban nila kaya di pwede. Haynaku! Dapat pala matagal na akong sumali shuta!

Good work Guys!!!!


Agad akong lumapit kay Boo nang mag dismissed ang coach nila. Inabutan ko siya ng towel at tubig na agad naman niyang ininom.

You okay Boo? Ang putla kasi niya e, buset talaga yung coach nilang yun! Pinapagod ang Boo ko!


No I'm not, kailangan ko sigurong magpahinga para bukas. Tsaka masakit buong katawan ko Boo. Wika niya.


Ganun ba, halika sakay ka sa likod ko. Tumalikod na ako at ibinaba ang katawan ko para maisakay ko siya ng piggy back ride.


Ah- sigurado ka ba? Nag aalanganin niyang tanong.

Oo naman. Wika ko at sinunod naman niya ang utos ko sakanya. Dahan dahan siyang sumakay sa likod ko at naglakad ako papunta sa bleachers na inuupuan ko kanina para kunin ang bag niya.


Ambigat mo naman Boo... Asar ko sakanya.

Hmm...wag ka ngang mang asar jan pagod ako. Mahinang sabi niya at halata sa boses niyang pagod na pagod siya kaya di ko na muling inasar.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa parking space. Maingat ko siyang ibinaba at isinakay sa may passenger seat ng kotse ko. Ako na rin ang naglagay ng seat belt para sakanya dahil hinang hina siya.

Sumakay na ako sa driver's seat at pinaharurot paalis ng University. Sinulyapan ko si Boo at kita kong nakatulog na siya.

*sigh*

Pagod na pagod talaga ang Boo ko, kung pwede ko lang sanang kuhanin lahat ng pagod niya edi sana hindi ko siya nakikitang nagkakaganyan.
Huminto ako sa isang drugstore at bumili ng hot packs at pain relieving patch.

After a few minutes, nakarating na kami sa bahay nila at since tulog siya, binuhat ko siya ulit at pinahiga sa kwarto niya.

Yan ang napapala ng Bruha sa pagsali ng mga ganyan tss. Wika ni Suzy habang nakatayo sa gilid ng pintuan.

Here. Inabot ko sakanya ang binili kong gamot para sakanya.

Ano toh? She asked.

For her, pwedeng ikaw na maglagay niyan sakanya? Masakit daw kasi buong katawan niya kaya binilhan ko siya niyan. Wika ko. Ilang segundo ang nakalipas bago siya tumango.


Lumabas narin ako ng bahay nila dahil gabi narin kasi, tumingin muna ako sa bahay nila bago sumakay sa kotse ko.


Good night Boo... I whispered and sumakay na sa kotse ko at pinaharurot ito pauwi sa bahay ko.

*Ring* Phone Call



This is Dylan speaking... Bungad ko.


Sir Dylan, lasing na lasing po dito si Sir Zywon... Napatingin ulit ako sa phone ko at nakita kong isa ito sa mga staff ko sa bar na pag aari ko. Teka, si Zywon?

My Secret QueenWhere stories live. Discover now