Chapter 38: My devil in disguise

58 7 0
                                    


Suzy's P.O.V




Naglakad na kami papasok. Bumitaw siya sa pagkakahila ko sakanya kaya naman napatingin ako sakanya at nagulat nalang ako nang siya ang humila sakin sabay kindat. Syempre namula ulit ako.



Nandun yun table natin Kaps nakayukong wika ko sakanya dahil maling direksyon ang tinatahak namin. Nakayuko rin ako dahil baka Makita niya ang namumula kong pisngi, baka kung anong isipin niya.



I know. Tipid na sagot niya. Huminto kami sa stool bar na inuupuan niya kanina at nakita kong harap harapan ang haliparot na kalandian niya psh, ano toh? Ipakikilala niya sakin as his bitch? Tsk.




Oh siya na ba? Medyo may pagkaharot sa boses ng linta kaya agad ko siyang tinaasan ng isang kilay.




Yeah, Ms. De Vega meet Pia Zamonte, Pia this is Suzy. Awts akala ko pa naman sasabihin niya yung 'Babes' napa-assuming ko talaga. Bakit nga naman niya sasabihin? E ipapakilala ka niya sa linta niya e tss isip isip naman pag may time.




Hello, kilala kita ah? International model ka diba? Tanong niya sakin.




Yeah tipid na sagot ko at di tinanggap ang kamay ng babae, psh baka may Virus pa yan. Nahihiya niyang binaba ang kamay niya.



Uhm, mas lalo ka palang maganda sa personal. Nakangiti niyang satsat. Bakit ba ito nagbabait- baitan sakin? Tss if I know binobola lang ako ng bruhang toh.




Thank you.




Oh Babe anjan ka lang pala. Napalingon kami sa lalaking nagsalita at lumapit sa babae. Babe? So may jowa na toh? Napatingin ako sa lokong Kapre at nakangiti lang ito ng malapad sakin. Ano naman problema nito?



Hey guys, meet Greg Fernando my Fiancé. Nakangiti niyang wika at napalunok lang ako dahil akala ko kalandian ito ng lokong toh.




Hi! Mr. Zyron Kim and Ms. Suzy De Vega, nice to meet you. Pagpapakilala ng lalaki samin, ngumiti lang ako bilang tugon.




Thank you for coming dagdag pa niya.
Our pleasure tugon ni Zyron saka hinawakan ang kamay ko at nakayuko kong kinagat ang labi ko. Buset talaga tong lalaking toh.



.....



Pauwi na kami ngayon at tahimik lang kami sa loob ng kotse nang bigla niyang basagin ang katahimikan.



Pia is one of my Fling back then. Panimula niya.



So what? Bat mo naman sakin sinasabi tss. Pinamukha talaga sakin ah.



Wala lang, gusto ko lang sabihin sayo na never akong nagka gusto sakanya. Fling is just a fling. He explained. Tss I'm not his girlfriend para pagpaliwanagan niya ng ganyan ah.




I don't care kahit may feeling ka sakanya okay? Wika ko habang nakatingin sa bintana.




Psh, ayokong nagseselos ka Babes. Diniin ko ang pagkagat ko sa labi ko at di pinahalatang kinikilig ako. Teka, ako? Ayaw niyang nagseselos? Tss for sure niloloko lang ako ng mokong natoh.




Tss stop calling me Babes, tsaka bakit naman ako magseselos hah? Di kita type tss. I denied and then secretly crossed my finger.



Psh wag ka nga, I know you have a crush on me. Aba! Feelingero toh ah! Totoo naman gaga!




Tss assuming ka rin e noh Kaps? Asar ko sakanya.



My Secret QueenWhere stories live. Discover now