Verso Sei: ang magkakapatid

109 1 3
                                    

Raphael's Punto Di Vista

***************************************

"Gising ka na pala kapatid..."

Dumilat ako at una kong nakita ay ang kapatid kong si Miguel

nakatingin siya sa akin alalang alala siya

lumingon ako sa may kanan at nakita ko ang kapatid kong si Gabreil palakad lakad

halatang galit na galit siya

"sa pagkaka alala ko..."

"kasama mo ang isang mortal si Julio Ravales sasamahan mo siya dito sa paraiso ngunit nagawa ka pa niyang saktan" sagot ni Miguel

"HINDI AKO MAKAPANIWALA NA ISANG HAMAK NA MORTAL ANG KAKALABAN SA MGA TULAD NATING ARKANGHEL!!" galit na pasigaw ni Gabriel

"kalma lang gabriel... mukhang may dahilan naman siya upang magalit" 

at yun tumayo na ko upang lapitan si gabriel

nahihirapan akong maglakad dahil masakit pa ang aking katawan

"wag mong pwersahin ang sarili mo raphael, nanghihina ka pa..." paalala ni Miguel sa akin

"siya nga pala habang naririto tayo, tatlong pangkat na nang mga anghel ang napaslang ni Julio" pahabol pa ni Miguel

"Naalala ko tuloy ang kapatid natin..." sambit ko

napatingin bigla si Gabriel kay Miguel

"mukha nga... ganyan na ganyan din siya ngunit ang pinagkaiba ni julio sa ating kapatid, mag isa lang siya at talagang hindi magpapapigil" sabi ni Gabriel

"Bakit nga ba napayagan siyang mapunta sa Langit?" tanong ko sa kanila

Pansamantalang katahimikan

mukhang umiiwas sila sa tanong ko

Ang alam ko lang pinayagan siya dahil sa isang kahilingan galing kay Helena Chan

ang hindi ko lang alam ay Kung Bakit?

Isa lang akong Arkanghel

Isa lang akong mensahero

wala akong karapatang magtanong o lumabag

 Sinadya ba ang lahat nang ito?

"HINDI NA AKO MAKAKAPAGTIIS PA!!!"

napalingon ako at si miguel bigla

"Ako na ang bahala sa Julio na yon! ako ang tatapos sa kanya, payagan mo lang ako Miguel!!" sabi ni Gabriel

tumango lang si Miguel

agad nyang kinuha ang kanyang armas at ang kanyang baluti

binuka niya ang kanyang Pakpak at agad na lumipad palayo sa amin

"Kapatid... talaga bang handa kayong tapusin si Julio?" tanong ko

tumingin lang siya sa akin

at saka sumagot...

"Kung kinakailangan habang naririto pa siya sa paraiso..." 

"Julio" Defying GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon