Versetto Tre: krus na daan

43 0 0
                                    

Nagising ako sa tunog nang tubig

nasa may lugar kami na parang kweba

una kong nakita ay isang taong naka itim na halos sira sira ang damit

nasa bangka kami siya nag nagsasagwan

nakatalikod, sa aking palagay ay matanda na ito at parang payat na payat...

lumingon sya sa akin

"Ayos ka lang ba pre?" tanong nang lalakeng agnas na ang balat at kita na ang bungo

"KA - KAMATAYAN!?" tanong ko sa kanya

gulat na gulat ako dahil hindi ko naisip na ganon pala talaga ang itsura niya

""Oo, ihahatid na kita sa iyong hahantungan handa ka na ba? at wag mong tignan ang mukha ko alam ko bungo na lang ako.. "

tinignan ko siya mula ulo hanggang paa nang bigla akong may napansin na nakapulupot sa kanya sa may bandang bewang niya,

isang balaraw...

"nakahanda na ko, pero maari ko bang mahingi ang iyong balaraw? upang may panlaban ako sa mga demonyong gusto akong mapatay kapag ako'y nasa impiyerno na"

tinignan ni kamatyan ang bagay na aking tinutukoy

bigla siyang napakamot

at ngumiti

"hmmm... hindi ko alam kung anong pakay mo, pero kung yan ang gusto mo sige sayo na to..." sabi niya sabay abot sa akin nang balaraw

"maraming salamat" sabi ko

habang nag aantay ako na maka abot sa aking patutunguhan nag masid masid muna ako

nakita ko na may ibang tao don na nakalutang sa tubig

"bakit sila nalunod?" tanong ko kay kamatayan

"yan ang mga taong natakot harapin ang hukom, tumalon sila sa aking bangka pinilit nilang makatakas, ngunit hindi nila alam na wala kang lalabasan sa lugar na'to kahit gano ka pa kagaling lumangoy, kahit gaano pa kalakas resistensya mo mauubos lang at ikay malulunod"

"at bakit?"

"dahil ako lang at ang bangkang ito ang may kapangyarihan na makapasok o makalabas sa kwebang ito, kahit mapuntahan nila ang dulo babalik at babalik lang sila"

"kumbaga niloloko lang nila sarili nila parang ganon?"

"Oo, mapagpatawad naman ako eh, kwestyon lang na bumalik sila sa bangka ko, kaso ung iba ayaw talaga, eh di bahala na sila..."

"yan ba ung mga kaluluwang ligaw?"

"Tumpak!"

sa tagal nang pag uusap namin may nadaanan kaming mahamog dun

"malapit na tayo" sabi ni kamatayan

hinanda ko na ang sarili ko

paglagpas namin sa mahamog na lugar don bigla na lang nagliwanag ang paligid napapikit akong bigla...

"

"Julio" Defying GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon