Worthy # 3: She's Tired?

880 14 6
                                    

Worthy # 3: She's Tired?

[a/n: listen to the song at the side]

ATHENA RACHELLE YOUNG'S POV

Umaga na.. Pinauwi ko muna si Sheena ng makapag-pahinga ito..

Ang putla ni Ajai.. grabe yung nawalang dugo sa kanya..

"Okay ka lang?" tanong ni Ardiren habang hinihimas ang braso ko..

Tumango lamang ako sa kanya bilang sagot..

Ajai is one of my bestfriend.. pero sa kanilang apat, sa kanya ako pinaka-close..

Maya-maya bumukas yung pintuan at pumasok si Atchide..

Pugto pa ang mga mata nito..

Dali dali itong pumasok at lumapit agad sa hanggang ngayon ay wala pa ring malay na si Ajai..

"Princess? Andito na ako.. please wake up.." sabi nito habang hawak ang kamay ni Ajai at hinahaplos ang buhok nito..

"Labas muna ako hon, hanggang dalawa lang daw di ba.." sabi ni Ardiren..

Ngumiti ako at tumango..

Lumabas s'ya at ako naman.. nilapitan ko si Atchide..

"Alam mo ba kung bakit n'ya ginawa to?" tanong ko..

Umiling s'ya at tumingin sa akin..

Hindi ko alam pero parang may tumusok sa puso ko ng tingnan n'ya ako sa mata..

Kitang kita sa mga mata n'ya na naguguluhan s'ya.. nasasaktan.. nangungulila.. nagtataka..

Basta halo-halo ang emosyon na makikita mo..

Ibinalik n'ya ang tingin n'ya kay Ajai..

"Princess.. Di ba sabi mo.. hindi mo ako iiwan.. hindi mo gagawin yung ginawa sa akin ni G.. di ba.. kaya please naman ohh.. gumising ka na.. please.." sabi n'ya tapos inilapat n'ya yung noo n'ya sa noo ni Ajai..

Hindi ko alam gagawin ko kaya hinagod ko na lang yung likuran n'ya..

"Magiging okay din si Ajai.. Yan pa.. ehh akala mo walang bukas energy n'ya di ba.." sabi ko..

Sa tuwing maiisip ko kung gaano kakulit si Ajai.. natatawa ako..

Makulit s'ya pero hindi tulad ng sa iba na maiinis ka..

May pagka-childish s'ya.. pero pagdating sa mga seryosong bagay.. Mature s'yang mag-isip..

You're Worth Fighting For [YWF SS - Complete]Where stories live. Discover now