C3: Chase Mason

321 14 4
                                    

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ 

Mason's Point of View:



Kanina. May sumira ng araw ko. Babae siyang baliw. 

Concerned lang naman ako kasi namumutla siya at halatang nanghihina ang katawan niya. 

Hindi ko nga alam kung hindi niya sinasadyang matabig yung trash bin sa tabi or what eh. Pero parang hindi naman niya sinasadya kasi binalik niya din yung mga basura. Mukha lang ewan. Pero nakikita kong nagpapawis siya. 

I can sense na baka mamaya eh bumigay ito. At mahimatay. Kaya lumapit ako.

Tutulungan ko sanang ibalik yung mga natapong basura kaso narinig kong kinakausap niya ang sarili niya. 

"Ano bang klaseng utak ang meron ka Patty? Nako tantanan mo yang ka-artehan mo. Sinasabi ko sayo na wag kang magda-drama at huwag mo nang isipin yang mga problema mo. Hindi karma ang tawag doon. Wag mo nga kasing sisihin ang sarili mo. Okay? okay? Okaayy?" sabi nito. Natawa ako sa sinabi niya. 

"Wag mo isipin ang problema mo. Hindi yon karma." well said. Isip-isip ko.

Nagpunas pa ito ng  pawis. Wala na talagang kulay ang mga labi nito. Maputla. Kaya nagtanong na ako.

"Miss, okay ka lang?" sabi ko. Hindi ko na siya natulungan dahil tapos na siya.

"Naman. Okay lang ako. Haha. Mukha ba akong baliw?" nakangiting sabi nito. Mukha namang nagjo-joke, kaya magjo-joke na din ako.

"Oo eh." pero biro lang yon.

"Oo nga eh. Mukha akong bali-- Abat anong sabi mo?" biglang nagbago yung tono ng boses nito. Akala ko pa naman nagbibiro. 

Ang layo ko talagang magjoke. Hindi halatang nagbibiro talaga ako. Dapat pala hindi ko nalang sinabi yun.

"Can you just mind your own business? Kung gusto mong may mapagtripan, pwes pumili ka ng iba ano?" namumula na ang mukha nito. Shit, What should I do. Baka mamaya mahimatay to. 

Alam ko.

Kasi isa akong Medical Student. Yun kasi ang gusto kong matapos. Gusto kong maging doktor. 

Pero nabadtrip ako ng tingnan ako nito ng masama. Akala niya naman pinagtitripan ko siya.

"Hindi kita gustong pagtripan miss. Mukha ka lang talagang baliw. Baka kaylangan mo nang isugod sa hospital." nasabi ko nalang. What I meant is, namumutla ka na baka kaylangan mo nang pumunta ng hospital. Pero nasabi ko na eh.

"Bastos ka! Hindi ako baliw." she's taking this too serious. Napunta pa to sa ganitong lagay. I should go. Kasi pag hindi pa ako umalis masasagot ko na itong babaeng ito. 

Tignan mo ba naman kasi yung tingin niya? Malay ko ba kung napaka sensitive ng feelings niya?

"So ano ka?" sabi ko.

"Hinahamon mo ba ako? Talking shit with a stranger like that, may nanay ka ba?" 

"You don't know me." sabi ko na nga ba eh. Personalan na ito. And how dare she talk about my mother. Hampasin ko ito sa mukha eh.

"Parehas lang tayong hindi magka-kilala! Pakealaman mo kasi sarili mong buhay okay? Wala ata tong nanay eh." natamaan ako sa sinabi niya. Nga naman. Dapat di na ako nangealam.

Angbrutal magsalita. Wala talaga akong nanay, ang nakakaguilty lang. Ako yung dahilan ng pagkamatay niya.

Shit stranger. Sarap sapakin. 

Naglakad ako ng mabilis. Nagiinit kasi talaga ang ulo ko. 

I don't want to remember that time. 

Shit.

Kaya ayun. Badtrip, panira talaga ng araw.

Mukhang tae na nga sa school, mukhang tae pa dito.  Nandito ako kase kakauwi ko lang galing school, Tinawagan ko yung kapatid ko, tinatanong ko kung nasaan hindi naman ako sinasagot. 

Tapos tumawag yung mga kaibigan nito nasa park daw sila. So nandito ako. Ewan ko lang kung saan ko hahagilapin yung mga yun.

Kanina pa ako lakad ng lakad. Sigurado naman sigurong okay lang yung kapatid ko. Kaya na niya sarili niya. Isa pa, ayokong makita ang mga pagmumuka ng kaklase nito. Halata namang dumidikit lang sila kay Raine dahil sa akin. 

Kung ano-anong love letters ang binibigay sa akin nung mga yun.

Pagkatapos non. May nakita akong dalawang babaeng tumatakbo. Hinahabol ng mga batang hamog. Mukha ngang ewan eh. Meron palang ganito dito. Libreng ehersisyo. Kung gusto mo magdiet edi pahabol ka sa mga yan. May libreng sakit pa ng katawan. Hambalusan ng mga bato.

Sinundan ko lang sila ng tingin.

Saka ko lang narealize.

Nung harangan ng babae yung batang kasama nito. Siya yung natamaan sa likod ng malaking bato.

Pagkatapos non, Natumba na siya. 

After that.

Napatakbo nalang ako sa direksyon nila. 

"Kuya! Help!"

"Raine!"

END OF CHAPTER THREE

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ 

#JiminiFabo 

Jimin, itago mo yung abs mo. Baka agawin ka nila sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NOW PLAYING: Be Your EverythingWhere stories live. Discover now