C2: Gamot

345 16 5
                                    

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡



Patricia's Point of View


Narealize ko. Nagkakalat pala ako. Masama yun. Inayos ko yung nagkalat na basura sa daan.


Tapos ay napabulong nalang ako sa sarili ko.


"Ano bang klaseng utak ang meron ka Patty? Nako tantanan mo yang ka-artehan mo. Sinasabi ko sayo na wag kang magda-drama at huwag mo nang isipin yang mga problema mo. Hindi karma ang tawag doon. Wag mo nga kasing sisihin ang sarili mo. Okay? okay? Okaayy?" sabi ko sa sarili ko habang nakaupo at binabalik lahat ng basura sa trash bin.


"Miss, okay ka lang?" may nagsalita.


"Naman. Okay lang ako. Haha. Mukha ba akong baliw?" sabi ko habang nakatingin pa rin sa ginagawa ko.


"Oo eh." sabi nito.


"Oo nga eh. Mukha akong bali-- Abat anong sabi mo?" napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. 


"Can you just mind your own business? Kung gusto mong may mapagtripan, pwes pumili ka ng iba ano?" tumayo ako saka pinagpag ang kamay ko. 


"Hindi kita gustong pagtripan miss. Mukha ka lang talagang baliw. Baka kaylangan mo nang isugod sa hospital."


"Bastos ka! Hindi ako baliw." ewan ko kung ano na ang hitsura ko ngayon. Nanlilisik na ata ang mata ko.


"So ano ka?" sabi nito.


"Hinahamon mo ba ako? Talking shit with a stranger like that, may nanay ka ba?" sabi ko.


"You don't know me." nag iba ang hitsura nito.


" Parehas lang tayong  hindi magka-kilala! Pakealaman mo kasi sarili mong buhay okay? Wala ata tong nanay eh." pagtingin ko dito, nakatalikod na ito at naglalakad na palayo.


Kakausap-kausapin ako tapos tatalikuran lang ako? Bastos talaga. Pagkatapos akong sabihan ng baliw. Tsk. Ang pogi sana, kaso walang attitude.


"Tama yan. Shoo shoo." tumalikod na ako. Pero lumingon ako ulit sa lalaki. Mukhang malungkot kasi ang mga mata niya.


Hindi na sya lumingon ulit at tuloy tuloy nalang sa pag lalakad. Parang  ewan lang e.


At tuluyan na syang naglaho.


Naglakad ulit ako. Dederetso na talaga ako ng botika, medyo sumasama na din kasi ang pakiramdam ko. Kaylangan ko nang magpahinga. Baka lumala pa itong sakit ko.


"Manang pabili nga po ng biogesic. Sampung piraso lang. Tsaka cooling patch po para sa lagnat." 

NOW PLAYING: Be Your EverythingWhere stories live. Discover now