Panic III

120 16 0
                                    

Dumaan ang mga araw, nagkaroon na ng sakit si Clarice. May ubo't sipon na siya dahil galing siyang Maynila.

"Oh, baka naman may sakit ka na ah? Magsabi ka lang at ipapa-check kita sa doktor kung kinakailangan." sabi ng Mama ni Clarice na si Cecille

"Wala ah. Baka flu lang or allergy. Sanay na kasi ako sa Maynila kaysa rito sa probinsya." sagot naman ni Clarice

"Eh siya, magpahinga ka muna at ipagluluto na lang kita ng ulam na may sabaw para umigi ang pakiramdam mo." sagot ni Cecille

"Sige Mama, salamat po." sabi ni Clarice pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kwarto.

Sa kabilang banda, hindi naman nangangamba ang pamilya Nuevo sa mga pwedeng mangyari.

"Nasaan na si Kenneth? Huwag niyo sabihing pumunta na naman sa computer shop ang batang iyon? Haynaku talaga! Keren, tawagin mo nga ang lalaking iyon." sabi ni Kennedy

"Opo Papa, sige po. Kakaunin ko po sa computer shop si Kenneth," sabi ni Keren.

"Nessa naman, pinapayagan mo pa ring lumabas ang anak mo eh may curfew na ngang sinabi ang baranggay ah? Hindi ka ba nakikinig?" inis na sabi bi Kennedy.

"Alam ko naman. Malapit pa rin naman ang anak mo ah? Nandyan lang ang anak mo sa tapat. Isa pa, wala naman iyang virus na iyan. Gawa-gawa lang ng gobyerno iyan sigurado ako." sabi ni Nessa

"Ewan ko sa iyo Nessa, kapag nagkasakit na ang mga anak natin at nag-positive ang mga iyan sa virus na sinasabi nila sa balita ay bahala ka ha?" sabi ni Kennedy pagkatapos ay pumanik na siya sa taas ng kanilang kwarto.

Bumalik naman sina Keren at Kenneth. May pag-ubo si Kenneth at mainit rin ang kanyang pakiramdam pero hindi niya iyon sinabi kay Nessa. Pumunta na lang siya sa kwarto at mas piniling magpahinga dahil akala niya ay simpleng sakit lang ang dumapo sa kanya.

Nagsimula nang kumalat ang sakit sa pamilya Nuevo at Samugui. Nagpa-check up sila at nag-positive sa virus. Habang ang pamilya naman ni Juan ay hindi dinapuan ng sakit.

Panic (Completed)Where stories live. Discover now