𝟐𝘯𝘥 𝘊𝘰𝘯𝘧𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯

28 1 0
                                    

Earlier that week..

Nakakapagod magpractice buong araw, and mind you we're not even close to finishing. Gusto kasi ni Sir Ortega ay talagang pinaghandaan at pulido hangga't maaari and performance namin sa bawat event.

Pakipaalala bakit nga ako ulit kasali sa Glee Club ngayong huling taon ko sa high school? Ah, dahil nga huling taon ko na sa high school. I wanted to try something different, yung hindi ko pa nagagawa pero I find really interesting. Apparently, that's the Glee club of our school. In addition to that, gusto ko din kasi i-work out yung self esteem ko and confidence ng sa ganun, pagtungtong ko ng Senior High School next school year, I know the basics of socializing.

Pero gosh, I never thought it would be this hard. Well, di sa pag iinarte or what pero talagang mahirap siya dahil it's almost the third quarter ng school year pero I'm still learning. Somehow, I learned to appreciate yung mga musicians na sobrang galing tumugtog ng piece. "Nagspace out ka na naman jan, baka pagalitan ka na naman niyan ni Sir."

Napatingin ako sa nagsalita, "Oh, ikaw pala, uhm. Lance, right?" Tumango siya at tinabihan ako sa pagkakaupo. Nasa labas ng band room lahat ng member ng team ngayon, sa tapat kasi ng band room namin ay ang mini school garden and school grounds. Nakaupo lang ako sa mga benches doon nung tumabi siya sakin. May mga mangilan ngilan din kaming clubmates na nakiupo na din sa tabi namin habang nanunuod lang ng mga estudyanteng palabas na ng gate at nagsisiuwian na.

Kumunot yung noo ko, "Diba sabado ngayon?" Tumango siya sakin, "Oo, pero mga Saturday classes yata sila. Lapit na din kasi ang exams."

I see. "Ah, okay." Ngumiti siya sakin at nag iwas naman ako ng tingin agad. Medyo awkward. Not sure why he's being so friendly and all of that, pero we never really talked like this. Just plain 'hi' and 'hello' lang before. Normal clubmates lang. Why so sudden, Ramos?

Nag usap pa kami noon ni Lance para lang pampalipas ng oras habang naghihintay ng uwian, ngayon kasi nagfofocus si Sir sa mga freshmen ng club, since sila yung maiiwan after graduation ng mga seniors, like me apprently. "Pasandal ako, Anya, ha. Nakakapagod magpractice no?"

Ha? Hindi pa man ako nakakasagot at nakakalingon sa kanya ay naramdaman ko na yung ulo niya sa balikat ko, "Ay, b-baka makatulog ka ha?" Ang bango niya pala. Gulp.

"Mukhang napagod ka tumugtog ng gitara kanina? Mas prefer mo ba ang drums?" Tanong ko sa kanya habang nakasandal parin sa balikat ko. Naramdaman kong ngumiti siya dahil sa paggalaw ng ulo niya, "Well, to be honest, both eh. Parehas kasing masarap tugtugin pero mas nakakapagod ang drums." Tumango lang ako sa sagot niya.

Maya maya lang nilabas niya yung phone niya, mukhang nagtetext siya. I think kausap niya yung girlfriend niya. Balita ko matagal na sila, 2 years I heard? Not so sure pero narinig ko sa mga clubmates namin na magaling kasi maghandle ng relasyon si Lance, that's why. I wonder paano kaya si Lance bilang boyfriend.

Kahit medyo curious ako sa pinag uusapan nila sa text, di ako sumilip sa kanya. Of course, that would be rude. Besides, di naman kami close.

"Anya, oh." Nilingon ko yung kamay niyang nakalahad sakin, hawak yung phone niya. Inabot niya sakin yun, "Uhm, pahingi naman ng number mo?" Nakatingin lang ako dun for split second bago ko kinuha sa kanya.

Number ko daw? For what? Now he wanted to be friends? It's not that we're not, I mean clubmates kami pero hindi naman kami close talaga. Di ko nga sure kung matatawag kaming friends. Ganun pa man, ayoko naman maging rude so binigay ko ang number ko sabay abot nun pabalik sa kanya.

"Anya nga pala ha," Pahabol ko dito bago pa ma-isave ang number ko sa contacts niya. Tiningnan niya lang ako sabay natawa siya ng kaunti, "Of course, I know you Anya. There look," Ang cute niya ngumiti, kitang kita ko yung hulma ng labi niya. And his smell's luring me.

Pinakita naman niya sakin yung pangalan ko sa contacts niya, Anya Cute. Napatigil naman ako nung nakita ko yun, "Eh, cute?" Tanong ko sa kanya ng medyo nahihiya.

Tinap niya lang ang ulo ko, "Oo, para maalala ko." Tumango naman ako sa kanya sabay ngumiti. I did not expect this all from him, mabait pala siya at malambing. I don't know kung na-overwhelmed lang ako sa ugali niya ngayon or umiiral na naman pagka-hopeless romantic ko. Shrug the thought, girl!

Mga kalahating oras pa yata ang lumipas bago nagpauwi si Sir Ortega, nakumpleto din namin ang piece at mukhang polishing nalang ang kailangan.

"Okay, team. We will call it a day. You all can go now, ingat kayo ha. Sige na." Anunsyo ni Sir samin bago pa mag ayos ng mga gamit. Naiwan kaming mga seniors para linisin at ayusin ang band room, as what we should do bilang role models ng mga freshmen members.

Nilapitan ako ni Sir, "Sabay ba kayo uuwi ni Colleen ngayon?" Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. "Medyo nagiging tahimik pala siya, Sir no? Ano kayang problema nun."

Madalas kasing masigla at maingay si Colleen. Magkaklase and clubmate kami. Isa din siya sa mga kaibigan ko, napapansin ko din na medyo fond si Sir Ortega sa kanya since the start of school year. Kaming tatlo yung madalas mag hang out after practice. Si Sir kasi parang father figure na din siya saming lahat so we think it's just a way to bond with him.

"Napansin ko nga din yun, Anya. Siguro gutom lang. Ayan na pala siya, bilisan mo na jan at ng makauwi na kayo ha." Nginitian niya ako sabay nag ayos ng mga gamit niya sa table.

Lumapit naman sakin si Colleen, "Okay kana? Ano, tara na?" Tumango lang ako sabay naglakad na paalis. Hindi ko na napansin si Lance after ng uwian, siguro nagpaiwan siya or nauna ng umuwi. Hindi ako sure.

Habang naglalakad ako pauwi, nakareceive ako ng text. Tiningnan ko kung kanino galing yun.

From: Unknown Number
Hi, Anya. :) Nakauwi kana?

Si Lance? Nagtype ako ng reply sa kanya pero bago ko pa natapos, nagring bigla ang phone ko. Parehas ng number kanina sa text, sinagot ko yun.

"Hi, Anya. Si Lance to. Nareceive mo ba yung text ko?" Siya nga.

"Ikaw pala, Lance. Oo, natanggap ko. Pauwi palang ako eh, ikaw ba?" Mabuti nalang kanina pa kami naghiwalay ng daan ni Colleen. Malamang magtatanong yon about samin ni Lance.

"Ah, may dadaanan pa ko pero sabay kaming umalis ng school ni Sir. Naglalakad na ko ngayon," Tumango lang ako kahit alam kong hindi naman niya yun makikita. "Ingat ka ha, malapit kana ba sa inyo?"

Napangiti naman ako, "Oo, nasa tapat na nga ako ng gate namin. Ikaw din, ingat." Binuksan ko muna ang gate namin bago binalik ulit ang phone sa tainga ko.

"-more." Hindi ko narinig ang unang sinabi niya. "Sorry, Lance. Ano ulit yun?"

He giggled, "Sabi ko, let's hang out more often, okay?" Pati ba naman boses niya, ang gwapo parin. Total package talaga si Lance, hindi lang looks pati voice din. Hindi siya mahirap magustuhan.

"Okay." Yun lang ang nasabi ko sa dinami dami ng tanong sa isip ko. On why he's acting this way, I don't know but maybe this isn't so bad as I think it is.

"See you, Anya." Nagpaalam na din siya.

That's so much for this day. Ano naman kayang ibig niyang sabihin sa 'let's hang out more'? Siguro nag enjoy din siya kausap ako kanina? Napangiti naman ako sa naisip ko. Oh well, it's not gonna be that bad, is it?

-
To be continued...

𝘾𝙤𝙣𝙛𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙤𝙛 𝙖 𝙎𝙞𝙙𝙚𝙘𝙝𝙞𝙘𝙠 Where stories live. Discover now