Chapter 10

5.3K 149 0
                                    

Chapter 10

Nang sumunod na araw ay iniiwasan na siya ng binata at hindi niya alam kung bakit naiinis siya dahil doon. Hindi niya tuloy makompronta ang lalaki.

Nang dumaong na ang barko ay nauna siyang bumaba sa lahat ng sakay n'on. Inabangan niyang bumaba si Sebastian pero nangunot lang ang noo niya ng makitang wala ng bababa pa sa barko at mukhang si San na ang huling tao na bumaba roon.

"Si Captain ba ang hinahanap mo, Lady Adeline?" tanong ni San.

Mabagal siyang tumango sa lalaki. "Kanina pa nakaalis si Captain." anito.

"W-What!" napanganga siya. "S-Sige." wala sa sariling tumang siya.

Kailangan niyang makausap si Sebastian. She needs to talk to him! Pero paano kung iniiwasan siya nito? How could she catch a pirate?

That's impossible...o puwede ding possible?

"S-Sir," agad siyang napatayo ng pumasok sa opisina nito ang presidente.

"Adeline!" masayang-masaya siyang niyakap ng presidente at hinila paupo sa couch.

"Did you meet my son? Naaalala mo na ba siya?" excited na tanong nito sa kaniya.

"P-Po?" naguguluhang tanong niya.

"Oh. I see. Anyways, may gusto akong pag-usapan." bahagyang ngumiti sa kaniya ang presidente at iginiya siya na umupo.

"Ano po iyon, Sir?"

"Oh just call me tito Eric, Adeline." halakhak nito.

"Tito Eric?" nagtatanong na sabi niya.

Tumango ito.

"Nabalitaan ko na ikakasal ka na." biglang sumeryoso ang mukha nito at parang nakikita niya si Sebastian sa lalaki. Matanda lang ang lalaki kay Sebastian pero magkamukha ang dalawa. "Alam mo, Adeline, ama ako. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Sa kasiyahan ng anak ko. At alam ko naiintindihan mo iyon hindi ba?"

Marahan siyang tumango dito. "Kaya naman ipapakiusap ko sa iyo na huwag mong ituloy ang pagpapakasal mo."

"PO!"

"Hindi ka puwedeng ikasal dahil kasal ka na, Adeline Ronsville o mas tamang sabihin na Adeline Westwood." the man said.

Nang magtama ang mata nila ni Sebastian ay agad itong umiwas ng tingin sa kaniya at muling tinungga ang bote ng alak na hawak. Nasa bar counter ito at mukhang may balak na lunurin ang sarili sa alak. Hindi naman ito ang madaling malasing, iyon ang kilala niyang Sebastian.

Nakita niya sa gilid ang mga tauhan nito na busy sa mga kaniya-kaniyang bagay. Hindi sila mga mukhang pirata ngayon, nakabihis at nakaayos sila na akala mo mga taga-syudad. Napansin niya din na bagong gupit ang lahat ng tauhan ni Sebastian.

"Anong ginagawa mo rito?" medyo galit na tanong ni Sebastian sa kaniya ng tuluyan na siyang makalapit sa binata. "Hindi ba at nag-uusap pa kayo ng presidente?"

"Oo kanina pero tapos na ngayon." marahang sagot niya. Napalingon sa kaniya si Sebastian dahil na din siguro sa kalmado niyang boses. Siguro nagtataka ito kung bakit hindi niya ito tinatarayan katulad ng palagi niyang ginagawa.

"Nag-usap kami ni tito Eric, ang daddy mo." panimula niya.

Nakita niya kung paano natigilan at nanlaki ang mata ni Sebastian na lumingon sa gawi niya.

"A-Anong sinabi mo?"

"Daddy mo si tito Eric hindi ba? You're the president's son, Esteban Westwood." ngumisi siya sa kausap.

Parang nawalan naman ng kulay ang mukha ng kausap.

"Gusto mo bang hindi matuloy ang kasal namin?" she asked him.

"W-What?"

"Marry me again, Sebastian." tila nanghahamon na utos niya rito.

Marahas na suminghap si Sebastian. "A-Adeline..."

"Marry me and this time promise me you will love me and you will be honest to me." doon na siya napaiyak at niyakap si Sebastian.

Mahirap iproseso ang lahat ng nalaman niya mula sa ama nito. Pero may parte sa puso niya na naniniwala roon.

Sebastian is her husband! Siya ang taong nakalimutan niya sa loob ng tatlong taon and the worst thing is she found someone else. Hindi niya maisip kung gaano kasakit at kahirap iyon para kay Sebastian. She's happy with someone else at hindi na niya naalala ang lalaki.

He sure did something wrong in the past pero hindi n'on kaya tapatan ang pagmamahal niya sa lalaki. Kahit ano pang maling nagawa ni Sebastian alam niyang kaya niyang patawarin ang asawa niya dahil mahal na mahal niya si Sebastian.

"I'm sorry I forgot you." pag-hingi niya ng tawad.

"No," humigpit ang yakap sa kaniya ni Sebastian. "I'm sorry I hurt you. I regret hurting you, w-wife. I miss you so bad. Gustong-gusto kitang makita at kausapin noong nagising ka mula sa pagkakacomatose pero nangako ako sa sarili ko na pag naligtas ka hinding-hindi na kita guguluhin at ilalagay ang buhay mo sa kapahamakan so I keep my distance but I failed. Hindi ko pala kaya na makita at malaman na ikakasal ka sa iba, Adeline. Akin ka lang. Akin ka lang. I'm sorry, Adeline, but I won't let my lady to be taken away from her captain."

The Captain's LadyWhere stories live. Discover now