Chapter 4

5.5K 185 4
                                    

Chapter 4

Tulad kahapon ay maaga siyang nagising ngayon. She is somehow felt light today. At agad na napangiti ng makita sa galley si Franco. Nagkakape ito at kinindatan siya ng makita.

"Goodmorning, lady Adeline!" bati nito sa kaniya.

"Goodmorning, Franco!" she smiled to the old man.

Lumapit siya dito at natigilan ng may iniabot ito sa kaniya. Apron iyon at may nakaburda na lady of the Hurricane at ang flag ng Hurricane. 

"It's yours now."

Nanlaki ang mata niya at muling ibinalik ang tingin sa hawak-hawak na apron. "T-thank you!"

Masaya siyang tumulong at nagluto ng pagkain ng crew.

Nang dumating ang crew ng ship ay masaya siyang binati ng mga ito. Hindi nagbago ang turing ng mga ito sa kaniya kahit pa nalaman ng mga ito na galing siya sa marangyang pamilya. Akala niya pag nalaman ng mga ito na anak siya ng isang gobernador ay gagawin siyang bihag at manghihingi ng ransome kapalit ng buhay niya.

"Lady Adeline, you forgot my food." tawag ng isa sakanila sa kaniya.

"Coming up!" she smiled at them.

Kinuha niya ang tray na may lamang pagkain at nilapitan ang lalaking wala pang pagkain.

"Now I appreciate having a woman like you on this ship." tumatangong komento ng katabi ng lalaki.

Tumango naman ang lahat sa sinabi nito.

"I want to kiss Captain for keeping you on this ship." halakhak ng isa.

"Go. I dare you." hamon naman ni Fred sabay baling at kindat sa kaniya.

She smiled softly to them and excuse herself.

"Adeline," hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya si Sebastian. Malambot ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

"S-Sebastian..." she struggled to smile. Bigla siyang nataranta. She remembered what happened last night.

"They can get their own food. Hayaan mo na sila. Umupo ka na at kumain na tayo." he told her.

Ngumuso siya at sumunod sa lalaki.

"Huwag mong pagurin masiyado ang sarili mo dito." anito.

"Hindi naman. Mas nakakapagod nga ginagawa ng mga crew mo kaysa sa pagluluto ko. At saka tumutulong lang naman ako kay Franco." she reasoned out.

"Still...if you get tired get rest. If you feel hungry go here and ask for food anytime. If you feel sleepy then go and take a nap."

"Pero hindi ba may oras ang pagkain sa barko?" nagtatakang tanong niya.

"Yes and that rule is only for my crew. You're exempted to that rule." sagot nito.

Nakangusong tumango siya sa binata.

"And you'll stay in my cabin. We'll be sailing for a month. Dadaong lamang tayo saglit para bumili ng mga kailangan ng barko at aalis agad tayo."

"Saan tayo dadaong? At bakit sa cabin mo ako matutulog?" she asked.

"Because that's the only way I can sleep peacefully knowing you're in my arms safe and sound." paliwanag nito. "Sa Ratara tayo dadaong. Isang linggo bago tayo makarating doon. Sapat na ang imbak ng pagkain para sa isang linggo."

Ratara? She'd never been in that place.

"Ratara?" she inquired.

Sumulyap ito sa kaniya at pagkatapos ay tumango. "Mas ligtas sa Ratara kaysa sa mga unang daungan na madadaanan natin. Ratara is the place where Pirates meets."

That's why she's never been in that place and never heard that name before.

Tumango siya sa lalaki at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Ganoon lamang ang routine ni Adeline sa mga sumunod na araw. But she never gets boring cooking and watching the lovely ocean while she's on the pirate's ship.

"A SHIP IS APPROACHING US, CAPTAIN!"

"They are getting nearer and nearer! What's your command, Captain?"

"Get ready and prepare for any possible problem we encounter." bumaling sa kaniya si Sebastian. "Go in my cabin. Huwag kang lalabas hangggang hindi ko sinasabi." utos nito sa kaniya.

"Pero..."

"No more buts, Adeline. Hinayaan kitang magluto sa galley. This part is not your job anymore. Now go in the cabin." he ordered firmly.

Tumango siya at niyakap si Sebastian. "Mag-iingat ka." she said worriedly.

Sebastian smirked before nodding his head and give her a kiss on the lips.

Hindi siya mapakali ng makarating siya sa loob ng cabin ni Sebastian lalo na ng makarinig siya ng ingay sa itaas. Sunod-sunod iyon at walang tigil. She even heard a gunshots kaya sigurado siyang hindi na maganda ang nangyayari sa itaas.

Alam niyang bilin ng lalaki na magstay lang siya sa cabin at huwag lalabas hanggang hindi nito sinasabi but she can't help it, she's worried and she need to take a look kung ano ng nangyayari.

Nakita niyang nagkakagulo na ang lahat sa itaas.

Kaagad na hinanap ng mata niya si Sebastian but he is nowhere to be seen.

Imbis na si Sebastian ang mahanap niya ay nakita niya sa dulo ng deck si San and the man pointing the gun to him.

"SAN!" she shouted in panic.

Hindi na niya napigilan ang sarili at lumabas sa pinagtataguan. Dinampot niya ang espada na nasa sahig. Natigil naman ang lahat ng makita siya.

Someone tried to stop her from getting to San's direction but she didn't let them stop her. She don't want to kill someone. She never wish something like that to happen but she don't want neither someone dear to her lose.

Alam niyang hindi na siya aabot sa kinaroroonan ni San kaya mabilis niyang inihagis ang espada sa direksyon ng lalaking may hawak ng baril.

Tumama at tumagos iyon sa itaas na parte ng likuran ng lalaki, nabitawan nito ang baril na hawak at bumagsak sa sahig.

"ADELINE!" Sebastian growled. Hindi niya napansin ang pa-atakeng lalaki sa gilid niya. For a moment she thought that's her end but Sebastian is way too fast. Nasalag nito ang espada ng lalaki gamit ang espada ng hawak ni Sebastian at sa isang kurap ay bumulagta na ang kaharap nila.

"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING? I TOLD YOU TO STAY IN THE CABIN!" he yelled furiously. Galit na galit ito na hiningal habang mapula ang mga matang nakatitig sa kaniya.

"I-I'm sorry. Nag-alala ako sa iyo." she bite her lower lips, suppressing the tears that is about to come out in her teary eyes. Kahit kailan ay hindi pa siya nasigawan ng ganito sa buong buhay niya. She was...hurt.

Nakita niyang natigilan ang lalaki at napaatras.

"FUCK!" bulalas ni Sebastian maya-maya pa ay kinabig siya nito at kinulong sa mga bisig. "I'm sorry I'm just worried. I thought I'll lose you that soon." he sighed.

Hindi siya umimik at humikbi lang habang nakahilig sa dibdib ng binata ang ulo niya.

"Don't cry, Adeline. I'm sorry. I promise I won't yell at you again." sinuklay nito ang mahaba niyang buhok at hinalikan iyon.

Nag-angat siya ng mukha sa lalaki. "Sorry din." she pouted.

"Next time don't do that again. Don't just show yourself in the middle of us fighting with the enemy. It's either you're gonna die or I'll be the one to die but I'd rather be the one to die because loosing you would be so much than dying."

The Captain's LadyWhere stories live. Discover now