Chapter 7: The Conflict

68 2 0
                                    

(Althea’s POV)

“Narinig niyo ba ang balita? May new student daw”

“Oo nga! Balita ko lalaki daw eh!”

“OMG Girls, like, I hope he’s so gwapo!”

Ang iingay. New student? Interesting. Pero nakakarindi na sila. Makaalis na nga ditto.

By the way, sa mga nakalimot, ako nga pala si Althea Montero. I’m a close friend of Elle, and  a closer friend of KJ. Maganda, mabait, maingay, at medyo masungit daw. Pero mabait talaga ako. Promise!

Pagdating ko sa classroom, ganon parin. Goo-goo girls na nakatutok sa salamin nila’t ang kakapal ng make up, singkapal ng mukha, hahaha, tapos may mga feeling matalino na palaging nagbabasa ng kung ano-anong physics books, may maiingay, as usual at may mga nagbabatuhan. Pagkaupo ko sa upuan ko, siya namang pagdating ng teacher namin.

“Okay class, may bago kayong classmate. Please come in Mr. Guevarra” tugon niya sa lalaking nakatayo sa may pinto. Pumasok ito. Okay, mataas siya. Maputi. Hmm.

“Hi, I’m Alexander Guevarra, call me Xander for short” Ngumiti siya na nagpatili sa mga babae kong kaklase. Tiningnan ko kung ano ang expression ni Elle, at ayon, wala man lang pakialam.

“Okay you may now take your seat Mr Guevarra” at umupo na nga siya sa nag-iisang bakanteng upuan---sa tabi ko. Kapag minamalas ka nga naman o! Hello worst schoolyear ever!

“Hi.”masasamang tingin ang pinukol ng mga Goo-goo girls. Uh-oh. Ayaw ko pang makalbo. Tiningnan ko lang siya at binaling ang atensyon kay teacher.

“Sungit” Aba’t!

“Bubulong-bulong ka pa, iparirinig mo rin pala. Hindi ako masungit, di lang kita tipong kausapin.”

“Masungit nga.” Nang-iinis na yata to ah?! Ngunit nginitian niya lang ako at nakinig na kay Ma’am.

***

Bwisit. Bwisit. Kainis. Naupo ako sa tambayan naming magbabarkada.

“Mukhang badtrip ka Thea ha? Dahil ba yan kay Xander pogi?”

“San banda ang pogi don? Kainis! Bwisit talaga siya!”

Nakahanap rin ng katapat!”

“Ano ba naman kayo guys, wag na nating inisin si Althea.” Ang bait bait talaga ni Elle. Kung ako mabait, siya, mabait na mabait. Sa aming magbabarkada, siya talaga yong pinakamabait. Kaya marami ang umiidolo sa kanya sa campus eh.

Sa paglipas ng mga araw, unti-unting gumagrabe ang pagkabwisit ko kay Guevarra. Hindi talaga kami magkakasundo non! Biruin niyo, siya lang ang bukod tanging bumabara sa bawat sabihin ko! Hmp!

Ngunit unti-unti rin kaming di mapaghiwalay. Topakin siya, masungit ako. Ngunit parati kaming magkasama. At sa parating iyon, walang oras na hindi kami nag-aaway. Palagi kaming nagbabangayan. Pero yun na siguro ang way to show na magkaibigan kami. Oo. Magkaibigan na kami. Di lang halata.

Bukod kina Elle, siya rin ang best friend ko.  Hindi ko nga lubos maisip na makakasundo ko ang gagong ito. Palagi din akong pinagseselosan ng mga babae kasi raw kasama ko ra siya palagi. HAHAHA. Kung alam lang nila. Ngunit iba na ngayon, parang, umiiwas siya? Ewan. Paranoid lang siguro ako.

Nabalitaan niyo yon? Niligawan daw ni Xander si Elle?”

“Oo nga! Ngunit hindi naman daw sinagot?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Campus Sweetheart is a Campus BitchWhere stories live. Discover now