Chapter 4: MU: Mutual Understanding o Mag-isang Umiibig?

288 8 15
                                    

(Ellie's POV)

Kasalukuyan akong nandito sa Marsnoy kasama si KJ. Kung bakit ko siya kasama?

(Flashback)

"Uy Keith. Lunch na. Li kana!" ang tagal naman ng bruhang to.

"Mauna kana Ellie. Susunod na lang ako." 

"Susunod ka? Sigurado ka? Eh baka naman indianin moko?" 

"Di nga. Susunod ako, promise."

"Sige, bilisan mo ha."

Nandito na ako sa paborito kong kainan. :) Asan naba yung si Keithleen? Naman oh. Mauubusan na kami ng bakanteng mesa. Urgh! 

*beep*

From: Bruha kong bestfriend na si Keith<3

Ellie, sorry ha. Di ako makakasabay sayo ng lunch. Medyo sumama pakiramdam ko eh. Uuwi na lang ako, babalik na lang ako mamayang hapon. Sorry talaga. Hope you understand bes. :-*"

Ah. Kaya pala. Geez.

To: Bruha kong bestfriend na si Keith<3

Sige bes, get well ka ha. :* 

Makahanap na nga lang ng lugar. Ayun! Nag-iisa lang si kuya, baka pwede akong makishare ng table. 

"Hi." pagbati ko. Tumingin siya. O.o? KJ?

(End of flashback)

At yun ang legend kung bakit ko ito kasama. Kasalukuyang kaming nagkekwentuhan.

“Ahm, E-Ellie.” Ba’t nauutal to?

“Hm?” Nakatitig siya sakin. “Naman oh! Baka mainlove ka sakin kakatitig mo ha!” Pabiro kong sabi. “Di, biro lang. 

“May gusto sana akong sabihin eh, kaso nahihiya ako.”

“Ano ba yun? Wag kanang mahiya uy.” I smiled.

“Ahm. Pano ko ba sasabihin to.” Parang di siya mapakali ah. “Ellie.. may gusto ako sayo.

Ano daw? Parang nabingi ako dun ha? 

(Eain’s POV)

Papunta na akong canteen ngayon, maglulunch ako, mag-isa dahil lam nyo na, kasama ngayon ni KJ si Ellie.

Si Keith yun ah! Matawag nga.

“Pst! Uy, Keith!”

“O, Eain. Hi!

“San punta mo?”

“Sa canteen. Ikaw?”

“Don din, maglulunch ka? Sabay na tayo.”

“Sige.”

Buti na lang may kasabay na akong kumain. 

“Kumusta na kaya yong dalawa? Nakapagtapat na kaya yung kaibigan mo?”

“Siguro..” Sana naman para hindi masayang effort namin. Hahay.

Alam kong ang swerte ni Ellie dahil nagustuhan siya ng kaibigan ko. Minsan lang umibig yang si KJ eh.

“Keith..” Bat ang ganda mo?

“Hm?”

“Ang pangit mo! HAHA”

“Wow ha, nahiya naman ako sayo! :P”

“Okay lang, kahit pangit ka, crush parin kita.”

“Crush moko? Edi ako ng maganda. Maganda ka naman talaga eh.

Ano ba tong pinagsasabi ko? Baliw na yata ako eh. >.<

(Kenrey’s POV)

“Ellie, may gusto ako sayo.”

Yumuko siya, di ko kita kung ano ang expression niya ngayon.

“Ellie,’di na ko magpapaligoy ligoy pa.

Can I court you?” I smile even though nininerbyos na ako sa magiging tugon niya.

(Ellie’s POV)

“Ellie, may gusto ako sayo.”

“Ellie, may gusto ako sayo.”

“Ellie, may gusto ako sayo.”

Gusto? May gusto si Ken sakin? Napayuko ako dahil feel na feel ko na umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo sa katawan ko. Nakuuu! Baka nagmumukha na akong kamatis nito! Nakakahiya! >.<"

“Ellie,’di na ko magpapaligoy ligoy pa. Can I court you?” Court? Manliligaw si Kenrey? Sakin?

"Ha?" yan lang ang naisagot ko sa tanong niya, di ko parin gets eh.-.-"

"Ellie, I like you, pwede ba kitang ligawan?" kitang-kita ko na kinakabahan din siya. 

“Sorry Ken. Gusto din naman kita eh, kaso di pa pwede. Wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon.”

“Ah ganun ba.”

“Sorry talaga Ken.” Napatingin ako sa kanya. He smiled, pero alam ko. Alam kong isa yung pekeng ngiti.

“Okay lang, kung hindi ka pa handa, I can wait.”

“Wait? Until when? Hanggang kailan ka maghihintay? Baka magsawa ka lang. Hanggang kailan?”

“I can wait, even if waiting takes...

..forever.” 

(to be continued)

Hi! Don’t forget to click on vote ha! And also leave a comment. I would really appreciate it. ThankYou! :* -VARAmazing

Campus Sweetheart is a Campus BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon