(Oneshot) "Bakit Hindi Mo Ako Nilista?"

67.7K 2.9K 1.1K
                                    

Oneshot: "Bakit Hindi Mo Ako Nilista?"

("Bakit Mo Ako Nilista?" PART III)

 © Filipina Wattpad 2014

(Read "Bakit Mo Ako Nilista?" & "Ilista Mo Ulit Ako" first before reading.)

-

"Princess!" tawag sa'kin ni Mara. "Pinapatawag ka ni Ma'am sa office."

"Huh?" sabi ko atsaka tumayo. "Sige wait."

Dali-dali kong niligpit ang gamit ko.

"Shayne, hintayin ko yan mamayang gabi ha? Masesend mo ba?" tanong ko habang pilit na pinagkakasya yung laptop sa bag ko.

"Ha? Sige sige," sagot niya habang patuloy na nag tytype. "Ano pa bang kulang maliban sa Review of Related Lit?"

"Ako na sa Chapter 5," sabi ko at zinipper na yung bag. "Basta check niyo na lang if may mga typo d'yan sa Chapter 4."

"Yung abstract ba nagawa na?" tanong ni Sharina. "Nasaan ba si Ervin?"

"Ka-group ba natin si Ervin?" tanong ko.

"Oo! Hay! Grabe! Hindi na naman yata yun makiki-cooperate!" inis na sabi ni Sharina.

Tumigil sa pagtype si Shayne, "Ano? Kainis naman yun!!! Hindi ba niya alam na thesis 'to at napaka-importante nito?! Paano na siya sa 4th year? Solo-han na?!"

"Akala yata makakalusot at paborito siya ni Ma'am!" inis na sabi ni Sharina. "Hay naku! Pakahirap tayo dito tapos siya gagamitin lang yung mukha para makapasa! Kire din si Ma'am eh!"

Napatawa ako, "Nako, hayaan niyo na nga yun. Baka bukas e papasok 'yun."

"Asa ka pa dun. FDA (Failure Due to Absences) na dapat yun eh. Masipag lang gumawa ng gasgas na excuse letters!"

"Asos! H'wag na nga kayo mainis kay Erv!" singit nung isa naming kaklase na nasa kabilang side ng room.

"Crush niyo naman 'yon!"

"Ako?! Hindi no. Yabang non eh!" agad na sabi ni Sharina.

"Onga! Kala mo gwapo. Pasalamat siya at maputi at matangos ilong niya," sabi naman ni Shayne.

"At may tantalizing eyes," dagdag ni Sharina.

Napatawa yung iba, "Edi crush niyo nga!"

Napahawak si Sharina sa kanyang ulo, "Hindi no! Nagwagwapuhan pero hindi na-titipuhan. Iba 'yon!"

"Ows?" sabi naman nung iba.

"Atsaka tae niyo. Eh siya lang naman gwapo dun sa buong course natin eh! Malamang ma-aattract din kami ng konte," paliwanag pa niya.

"Huy guys, alis na muna ko. Punta lang ako sa office," pagpuputol ko sa usapan.

"Sige sige," sabi nila.

"Ba't mo pa dala yung bag mo?" tanong nung isa. "May sasabihin lang daw naman si Ma'am... Dito lang naman kami kaya hindi mawawala yan."

(Oneshot) "Bakit Hindi Mo Ako Nilista?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon