Chapter 1 - Beginning of Classes (PART 1)

110 3 0
                                    

JADE's POV

New school year, a new beginning, classmates,  classroom, life, environment, lessons, and everything. A new chapter of my high school life. This school year, please be good to me.

Hinatid na kami papasok ni mama and papa sa school ni ate Hazel. Pagdating namin ng school nagkiss kami ni ate Hazel kay mama at papa. Pagbaba ko ng car, sinalubong agad ako ng best friend kong si Faith.

"JADE! I miss you!" sabay yakap sakin ng sobrang higpit. nagkumustahan. Hindi ko na makita si ate, nahatak na din siguro ng friends niya.

Mamimiss ko si Faith, hindi na kami classmates. Sabi nga ni Faith sana daw doon nalang siya sa section ko, ako naman sabi ko sana doon nalang ako sa section nila. Kinakabahan akong pumasok, wala pa akong friend sa section na 'to, wala pa akong kakilala. Sila kaya magkakakilala na? Sino kayang magiging mga kaibigan ko dito? Habang paakyat kami ni Faith, nakasalubong namin ang iba pa naming mga kaklase namiss talaga namin ang isa't-isa. Ang ingay ng buong building. Hindi pa namin makita si Kimberly late nanaman siguro si Kimberly. Ilang minutes nalang bago mag 7am, pumasok na kami ng classroom. Kasama ko ang mga former classmates ko. 

.

.

.

XAVIER'S POV

First day of school ni Jade ngayon. Sunduin ko kaya siya sa school nila sa uwian? Wala pa naman kaming klase ngayon next week pa. 

Nandito lang ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama. Nagmumuni muni. Iiniisip si Jade.

Kailan kaya ako mapapansin ni Jade? Mula bata magkakilala naman na kami, since that masungit na din siya sakin. Ewan ko ba kung bakit. Mula kasi nung grade 4 naging crush ko na siya, (Maganda, matalino, class, elegante, at civilized na babae). Bakit naman kaya siya masungit sakin? Wala naman akong ginagawa. Hindi pa naman niya alam na crush ko siya at ngayong high school mukhang nainlove na ko sakanya. Hindi kaya may gusto din siya sakin? nagfefeeling nanaman ako. Si Ate Hazel naman mabait sakin eh. Ligawan ko na kaya siya? 

Si Jade ang nakalagay na picture ko sa phone, sa wallet, at sa laptop ko. Hindi pa din alam ng parents ko na may gusto ako sakanya. Aminin ko na kaya kanila mom at dad? Baka matulungan pa nila ako. Since Ching is our business partner. Hindi ka na maalis alis sa isip ko Jade. Maraming babaeng naghahabol sakin, wala akong pakialam sakanila. Pero ang babaeng minamahal ko wala din kayang pakialam sakin?

.

.

.

SKY's POV

On the way on school, together with my friends Christian and Jayson. 

"Sky, nako masanay ka na. Marami talagang naghahabol sa mga seminarista." -Christian. siya yung nagdridrive. Kaibigan ko mula ng elementary.

"Alam mo Sky, ginagamit lang ng demonyo ang mga babae para paalisin ka sa puder ng Diyos. Wag ka magpapagamit Sky ahh, lalo na sa school daming chix, at mga chix na sila pa ang humahabol sayo." -Jayson. Nandito ako sa likod, silang dalawa ni Jayson ang nasa harap. Tahimik lang ako. 

Grabe naman? demonyo agad. Hindi sa nagmamayabang, habulin ako ng mga chix. Ewan ko kung bakit pa nila ako hinahabol eh alam na nga nilang magpapari na ako. Marami kasing nagpapapansin na mga chix sakin eh.  Pero kahit gaano pa sila kagaganda at kasesexy, hindi na magbabago ang desisyon ko. Straight ako sa vocation ko. 

"Alam mo Brother Sky, bigay mo nalang samin mga chickababes mo. Total, wala naman silang mapapala kakahabol sayo eh." -pabirong sabi ni Christian. Mga loko loko talaga 'to. Nagtawanan lang silang dalawa. Ano namang nakakatawa?

"Nako pare, seryosong seryoso 'tong kaibigan namin. Onting loko naman diyan. Sabagay brother ka na nga pala." -pabito pa ni Jayson. Wala naman kasing nakakatawa.

"Alam niyo, yung mga babaeng 'yon. Mapapagod din 'yon." -sabi ko ng seryoso.

Masusungit ako sa mga girls na naghahabol sakin, kaunting dignidad naman sa pagkababae diba? Kahit pa anong hindi pansin ng lalake sa kanila, wag na wag silang maghahabol. Sabi nga ng karamihan sa mga girls sa school namin, Ako daw yung klase ng pari na suplado, masungit at strikto. Pero gwapo? Joke lang. Ayan nagbiro na ko.

"Grabe bro, papagudin mo talaga yung mga chix." -pabirong sabi ni Jayson

"Hindi naman sa pinapagod ko sila. Tsaka hindi naman sa "chix" sila, kahit sino pang babae diyan. Alam naman kasi nila na seminarista ako, at alam na din naman nila ang pupunahan nun. At alam din nila na ang pupuntahan nito, hindi pwedeng mag asawa. Kaya bakit pa sila maghahabol? Tsaka kababaeng tao nila para humabol sa lalaki." -sermon ko. Nako, naghohomily nanaman ako sakanila. Buti nalang kahit mas naging seryoso ako mula ng pumasok ako ng seminaryo, hindi sila nainis sakin. Iniintindi nila ako.

"Sorry po Father" -tawa pa si Jayson

"Wala pong misa ngayon para maghomily kayo." -pabirong seryoso na sabi ni Christian

Tumahimik ang loob ng kotse. Natatanaw na naming papalapit na kami ng school. First Day of classes ko dito sa normal school. Sa seminaryo, nung may pa kami bumalik.

.

.

.

CHAPTER 1 FINALLY! =D sequel lang pala yung isa hehe. 

Hindi ko na sasabihin kung ano ang fiction at non fiction diyan. Basta MIX na sila. sasabihin ko lang kung ano yung PURE NON-FIC =D parang sa JADE's POV

VOTE.

COMMENT.

ADD THIS STORY ON YOU READING LIST.

The-Lady-In-Red

Red Sky

The Sweetest SinWhere stories live. Discover now