BONUS SEQUEL - Before...

92 2 0
                                    

JADE's POV

Last Day of School, completion of  requirements, cleaning of respective classrooms and a farewell to all of us. Last Day of Being Grade 7.

Nagsulat kami ng message sa class shirt na suot namin, but since nawawala ang class shirt ko. nakaPE Shrit ako ngayon. Andaming masayang memories ang iniwan ng school year na 'to sakin. 

May umepal nanaman na teacher, sabi daw "VANDALISM" ang ginagawa namin. Eh bakit ba? memories lang naman sana namin 'to ahh. KJ naman. Deduction nanaman sa law abiding grade ang nagvandalize daw sa shirt.

"Class, kung sino man ang hindi pa nakakapresent ng PETA (Performance Task/Project) sa English pumunta na sa room ng adviaory class ni Sir!" -class President

May sulat ako, but thanks to my jacket.

Haaaaaayyy, antok na antok na ko. Dibale last day na 'to kaya PUSH ko na 'to. Nagpuyat kasi ako kagabi dahil inulit ko sa simulang simula ang English PETA ko dahil hindi makita ng friend ko ang USB ko na nawala na atah na pinaglagyan ko ng ginawa ko. Hindi ako natulog.

Pumunta na kaming mga hindi pa nakakapagpresent ng PETA sa room ng advisory class ng English Teacher namin. Pagpasok namin ng room. Naglilinis na din pala sila, ilang hours nalang. BOOM anggulo naman ng section na 'to, sobrang ingay, nagwawala? Nafeel ko na hindi lang pala ako ang nakakaisip ng iniisip ko, nakapoker face at tahimik lang kaming pinapanuod ang section nilang magulo dito sa front left corner ng room sa may podium, mini altar at CCTV. Hindi ba sila natatakot kay Sir? Ang section namin, takot na takot kay Sir, pero parang ngayon si Sir pa ata ang natatakot sa kanila. 

Habang pinapanuod ko sila, habang naghihintay sa turn ko ng pagprepresent. 

There is a guy who caught my eyes. Ewan ko ang lakas ng dating niya sakin, wala pa naman akong nafefeel na something or what sakanya. Basta siya lang ang clear na mukha sakin. Lahat random faces yung tipong parepareho ng mukha. Yung tipong hindi nagsisink in, blured (basta) sa mukha ko. Except lang talaga sa lalaking 'to. Siya lang yung clear na mukha sakin (no malice 'to ahh, innocent eyes and feeling palang).

Ang ingay niya, sigaw ng sigaw, ang lakas ng boses, nakalab gown pa siya habang naglilinis. 

Ano ba yun? Naglilinis na nakalabgown? Naisip kong Siguro tinatakpan lang niya yung mga sulat sa shirts niya para hindi mapagalitan. Wala sigurong jacket kaya naglab gown nalang. Haynako paraparaan. Sigaw pa din ng sigaw na ewan. Then nilapitan siya ni Sir at hinimas sa likod, pinapakalma. Hypermuch kasi?

Then hanggang turn ko ng magpresent, after kong magpresent nawala na siya ng parang bula sa isip ko, bumalik na ko ng classroom. 

A Farewell...

.

.

.

SKY's POV

Today is last day, a farewell to all of us. Natapos din ako dito sa school at least sa seminaryo nalang ang aasikasuhin ko. 

Last Day na ng school year ngayong grade 7, kaya completion of requirements na, paglilinis ng classrooms at tsaka farewell na... 

Since farewell na, nagsulat kami ng message namin sa isa't isa sa class shirt.

"Guys, magpacheck na po ng labgown kay Mam sa mga hindi pa nagpapacheck. Pumunta na po sa room ng advisory class niya" -class president

Sinuot ko na ang labgown para magpacheck ng labgown sa Science Teacher namin. Pumunta na kaming mga hindi pa nagpapacheck sa room ng advisory class ni mam. After kong magpacheck ok na, complete na ko ng requirements. Bumalik na ko ng room ng suot suot ang labgown.

"Guys sabi ni HEAD TEACHER na deduction sa law abiding ang magsulat sa shirt, VANDALISM po kasi" -Class president.

Naglilinis na kami ng classroom sobrang ingay at sobrang gulo namin. Huhubadin ko na sana yung labgown pero hindi nalang. wala akong jacket.

May pumasok na mga taga ibang section presentation ata ng PETA. Maingay kami at sobrang gulo, pero wala lang samin. wala kaming pakialam. Nakatingin lang sila samin, nandun silang lahat sa harap malapit sa altar, podium at CCTV. nagkukumpulan...

.

.

.

Sequel... This is not a chapter.

JADE'S POV is a FULL non-fiction by the way.

ayoko munang iexagerate yung SKY'S POV =D

Ito sila nung acquaintance palang...

They don't even know each other, they both don't expect that after seaon they will feel something special to each other. 

The-Lady-In-Red

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon