Chapter 8 - TGwaMS - Secrets

223 5 0
                                    

Wala naman akong dapat na gawin pa, hindi ko na kailangan mag effort pa para ipagpilitan kay Ameli ang video na ginawa namin.

Sapat na at panatag na ang loob ko na somehow magagawa nyang mapanood ang video na ito.

*sending file 78%*

"Yanooo, matagal pa ba yan?"  Louise asked , kami na lang ang naiwan sa bahay nya since parang langgam na nagsialisan yung mga tao dito kanina after the shoot.

"saglit na lang to."

"ahhkey, you want something to eat?" ang tanong nung bata habang kinukusot ang mata nya na mukhang inaantok na.

Kanina pa kami nandito sa living room ng bahay nya na infairness ay may kalakihan. Inedit namin yung video at eto sinesend ko na nga sya sa taong inaasahan ko na magiging  daan para makita ni Ameli yung video. Ayoko naman kasi na ikalat lang ito sa net though obviously mas mabilis itong makakarating sa kanya. It just that... it's more sincere kapag konti lang ang nakakakita ...

I made a quick glare kay Louise, naka pout at nakadangle yung paa nya sa seat nya na fur.

"Kung magluluto ka okay lang. haha." I said.

"meh... Di ako nagluluto."

nga pala...

sa kanilang lahat si Suzy lang ang marunong mag luto.

"okay, bantayan mo na lang to, magluluto ako."

"really?" I can see the glow from her eyes.

"yeah yeah."

*   *   *   *

Matapos ang dalawang araw ng paghihintay, nag file na ko ng resignation letter sa hospital na nag hire sakin.

What can I do? I can't work half assed, baka mapahamak pa ang patient ko sakin.

Tsaka na siguro ko babalik kapag wala na kong masyadong iniisip.

I woke up very late, 12pm na ko nagising.

oohh great, I can feel this shit again... being a no lifer.

I checked on my wallet kung magkano pa ang no lifer's funds ko.

It's good for 2 days na lang, I guess sisimulan ko ng bawasan yung savings ko nung nag babanda pa ko.

Lumabas ako samin with my bed hair and I was a bit surprised to see someone na naka tayo sa pinto.

tumayo ang balahibo ko sa gulat. 

"Are you crazy?" she asked.

"Dapat sayo ko tanungin yan, bigla bigla ka na lang susulput dyan, muntik na kong mag ka heart attack sayo."

-ang ganti kong sagot kay Charlene na out of the blue ay nagpakita na sakin sa wakas. She's with this blue na hoodie at short pants, and her brown hair pulled backwards.

hindi mo aakalain na isang nurse si Charlene pag nakita mo sya outdoors..

"Bakit sakin mo sinend yung vid? diba dapat sa kanya mo na mismo yun isend?" napakabilis nyang magsalita, nakakunot ang noo nya na para bang na weweirdohan sa ginawa ko.

"The hell! para naman may contact ako sa kanya. and afterall, I'm just trying to figure out something."

"..." hindi sya sumagot at napasara ung bibig nya.

"Anong koneksyon mo kay Ameli?"

"I'm leaving." she turned her back and is about to leave, pinigilan ko sya sa pag alis by grabbing her right arm.

The Girl with a Mafia Stare (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon