TP: Kaguluhan!

29.2K 414 26
                                    

Julia's POV

Nandito parin kami sa pintuan ng operating room. Tulala pa rin ng dahil sa nangyari. Si K-Kuya N-eil nga nangingilid na ang luha.

"YAN KASI NEIL! PADALOS-DALOS KA SA MGA GINAGAWA MO!" Kiray

"Vanilla!" EJ

"Bakit? Totoo naman ah! Kung kay Kath lang sana sya pumanig hindi sana magkakagulo."

"H-Hindi naman s-sa gudto ko s-saktan si K-Kathy. P-Pero grabe na k-kasi ang sinabi nya kay J-julia eh." Kuya Neil.

"Eh bakit? Hindi ba totoo ang sinabi nya?!" Kiray

Agad akong napatingin kay Kiray at yumuko.

"VANILLA! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" EJ

"Ah! So sinisigawan mo na ako ngayon ng dahil kay Julia?! Parehas lang naman pala kayo ni Neil eh!"

At umalis na si Kiray.

"VANILLA NAMAN!"

Pero hindi talaga kumibo si Kiray at patuloy lang sa pagtakbo. 

Ang sakit.

Ang sakit, sakit.

Ng dahil sa akin nagkagulo na naman ang barkada. Nagkawatak-watak na naman kami. Kami na lang dalawa ni Kuya Neil. Hinabol kasi ni EJ si Kiray eh. Si Kuya Neil naman iyak ng iyak. Shit! Kasalanan ko to! Bakit kasi sumagot pa ako eh! Sana hindi na lang ako pumunta dito.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?"

"The Past" (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon