Chapter 22 - Is this really is it, is it?

1.4K 21 0
                                    

Kailey’s

Nang matapos akong i.treat ni fafa Dereck ay hinatid niya ako sa room ko. Bago siya umalis ay nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na ako.

Pag pasok ko naman ay nasorpresa ako sa nag iintay sa kwarto. Si Progue.

What is he doing in here? Tanong ko sa sarili ko.

Isinara ko ang pintuan at dumiretso ako sa closet at kinuha ko ang mga gamit ko. Isinilid ko ang mga iyon sa bag ko at inilagy ko ang mga ibang gamit ko sa kama.

Nakita kong tumayo si Progue at papunta siya sa kinaroroonan ko.

Umupo ito sa kama at hindi umiimik. Kunot noo ko siyang tiningnan na naka titig pala ito sa akin.

“problema mo?” tanong ko habang patuloy ako sa pag iimpake.

“Pwede bang ako na lang?”

“Hanu?”

Bigla na lang niya akong niyakap. Hindi ko alam kung anu ang pumapasok sa kukote nito.

“Pwede bang, pag may kailangan ka, ako na lang ang sasama sayo.”

“Let me go, Progue. Anu ba!”

Umiling iling ito habang yakap pa rin niya ako.

“Pwede bang, ako na lang at wag na sila.” Sabi pa nito habang yakap pa rin niya ako. Nag pupumiglas ako pero hindi niya ako binitiwan. “I can’t take it. I don’t know why. Basta ayokong nakikita kang may kasama ka.”

“Anu ba. Bitiwan mo nga ako.”

Pero hindi pa rin niya ako binibitiwan.

“Ang selfish mo, alam mo ba yun?” Patuloy ko.

Tumango lang ito.

“Binitiwan mo na ako nung time na kina usap mo si Daddy. Akala ko ba, ayaw mo sa akin?”

Umiling-iling ito. Ayaw nitong sumagot.

“Sumagot ka! Naiinis na ako sayo Progue! Hindi na kita maintindihan. Parati mo na lang akong sinasaktan. Hindi ka pa ba kuntento?”

Kumalas ito ng yakap at tiningnan niya ako sa mata.

“I like you. I really do. Nuon pa. hindi ko lang matanggap sa sarili ko kasi you’re not my type.”

Ouch! Grabe ha? In my face talaga?

“Wow Mamen! Hanep. Sa mukha ko talaga ha?”

Tumawa ito ng mahina. Then he pinched my cheeks. “Yan yung nagustohan ko sayo eh. You never cease to amaze me.”

Binatukan ko ito.

“Eh sira ulo ka pala eh! Ano to, gaguhan? Ako Progue, tigil-tigilan mo ako diyan sa kadramahan mong gusto mo ako ha. Dahil ako, dati pa! Gusto na kita dati nung high school pa tayo. Nakalimutan ko na lang kasi nag bago kana.” Pag amin ko.

Kumunot ang noo nito.

“Nakikita na kita dati pa. Hindi ko alam kung bakit ka nag bago.” Ngumiti ako sakanya.

I don’t want to elaborate the details kasi ako din, sinusundan ko din siya nung high school. Hindi ko lang masabi kina Francine kasi ang alam nila eh hayok ako sa mga gwapito. Totoo naman yun pero syempre may exception. Yun nga si Progue.

Natahimik kami pareho. Hindi ko alam kung anu na ang mangyayari sa amin.

 “So, anung plano mo ngayon?” Tanong ko.

“Hindi ko alam.” Sagot naman nito.

“Pero may girlfriend kana”

Hindi ito sumagot. Kaya tumayo ako. Kinuha ko ang ibang gamit at nag patuloy ako sa pag iimpake.

Hoy! Adik Ako SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon