Chapter 16-Davao, here we come!

1.8K 20 2
                                    

Kailey’s POV

Papunta na kami nina Caleb at Francine sa airport. Pinuntahan na kasi ako nitong dalawa sa bahay para sabay na kaming pumunta. Inihatid naman kami ng kotse namin sa kagustuhan na rin ni Dad. Ayaw niya kasing ma.hassle kaya ganun.

Nang makarating kami sa airport ay nandun na sila. Sina Audrey, Exel, at ang mag nobyong Progue and Alesanna na todo kapit sa braso ng binata. Iirap na sana ako kaya lang naka tingin sa amin si Progue. Ngumiti na lang ako sakanya ng matamis.

Lumapit na kami sa kanila. Nauna naman sina Francine at Caleb para batiin sila. Sinalubong naman ako ni Exel.

“Hi! Kanina ka pa ba?” Sabi ko.

“Hindi naman. Accommodating naman sina Audrey.”

Ngumiti ako sa kanya. “Nice. I hope you will like them.”

Ngumiti din ito. “Yes. I like them. Thank you.”

Tapos nag antay na kami para sa check in. Nag uusap pa rin naman kami. Tapos kinukunan ko naman sila gamit ang dslr ko. Pina kilala ko naman si Exel sa kanila as a new found friend. And si Francine naman todo pa.cute dun. Grabeng babae. Buti pa ako, behave muna. Hihihihihi

Nang makuha ko na ang seat number naming ay nag compare kami kung sino ang ka seatmate ko.

“France! Ka.seat kita?” Tanong ko.

Tiningnan niya ang number niya. “I hope so. F15-B ako. Eh ikaw?”

“Uhhh.. H21-A ako eh. Sayang naman. Anyway, baka sina Audrey, Caleb or Exel yung ka.seat ko.”

Tapos hinanap ko sina Audrey. Tinanong ko siya and at the same time hindi kami magka tabi.

Sina Exel and Francine kasi ang magka tabi.

Hanubayan. Pati ba naman si Caleb? Hindi ko katabi?

Magkatabi kasi sina Audrey, Caleb at Alesanna.

So that means, si Progue yung katabi ko?

Tiningnan ko siya. Nag uusap sina Progue and Alesanna.

Anu ba?!

Badtrip naman eh. Kung kelan mo iniiwasan, lapit naman ng lapit.

Lumapit sa akin si Caleb.

“What’s the matter?” Tanong ni Caleb.

“Argh! Hindi ko kaya katabi.”

“Sino ba katabi mo ha?”

“Probably si Progue.”

“Oh? Gusto mo palit kami?”

Tumango ako.

“Ok, wait.”

Tapos pinuntahan niya si Progue. Nakita kong umalis sandali si Alesanna kaya silang dalawa na ngayon ang nag uusap.

Nakita kong tiningnan ako ni Progue. Pero umiwas lang ako. Maya-maya, lumapit sa akin si Caleb.

“Anu na?”

Umiling lang ito. “Ayaw eh. Hayaan mo na. Anyway, almost 2hrs. lang naman yung byahe. Tabi tayo sa pag uwi.”

Ngumiti lang ako. “Ok”

Yun na lang ang isinagot ko.

Papasok na kami sa plane. Dinala ni Caleb yung gamit ko at inilagay niya sa compartment. Tapos tinap nya yung ulo ko den nag proceed na siya sa upuan niya.

Umupo na ako. Tumingin ako sa labas ng bintana.

This is it! Papunta na kami Davao!

Pumikit ako saglit. Tapos naramadaman ko na lang na may tumabi sa akin. I know it’s Progue kaya di na ako tumingin.

Hoy! Adik Ako SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon