18

78.8K 3.3K 695
                                    

Austine Villaluz POV

"Sir, wala po ba kayong pasok ngayon?" Tanong ko kay sir Nathan na kakapasok lang dito sa kusina. Alas-siete na ng umaga at usually paalis na siya sa mga oras na ito.

Isang simpleng t-shirt at shorts lang ang suot niya. Nakasuot pa ito ng eyeglasses na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Oh puso, ikalma ang landi.

"No. We're going out by 1 kaya maghanda ka before 12. Wear something sporty." Sabi niya at ininom ang kape na mabilisan kong ginawa.

Routine na namin ito this past week. Gigising ako ng 6:30 at ipaghahanda siya ng kape. Pag-alis niya ay gigisingin ko naman si Noah at papakainin. Pagkatapos kong pakainin si Noah ay maglilinis ako saglit ng bahay at pagkatapos doon na magsisimula ang study session namin ni Noah. Babalik na kasi siya sa school pag-uwi namin sa manila. Mas advance ang mga binibigay ko sa kanyang activities at exercises dahil minamanok lang niya ang pang kinder na schoolworks.  Oh ha! All around na katulong ang peg ko. Pwedi na maging housewife sir. Baka lang naman.

"How was Noah this past few days? Naging pasaway bah?" Narinig kong tanong niya habang nagbabasa ng dyaryo. Walang umaga na hindi ko siya nakikitang nagbabasa nito. Minsan nga nakikibasa na rin ako sa may bandang pahina ng entertain- ment. Marami kasing chika sa mga lodis ko. Like recently mga bes, nagbreak na raw ang Jadine.

Sinabi ko naman kasi kay James Reid na hindi niya kailangang iwan si Nadine eh. Ako nalang ang lalayo kaso masyadong matigas titi niya. Ayan tuloy masyado ng lumaki ang issue. Ayokong magka bashers, James.Please lang.

Tinikman ko muna ang niluluto kong sinabawang baboy bago ako sumagot kay sir. Infairness, kasing sarap ko na itong niluluto ko. Pwede ng kainin bes! Tikman mo na sir, fresh na fresh itong inday mo.

"Okay naman, sir. Pang grade 3 na nga ang binibigay ko sa kanyang mga activities. Sobrang talino talaga ni, Noah, sir. Mahilig rin siyang magbasa ng mga libro na may kinalaman sa science at math." namamangha kong kwento dito. Bukod kasi sa mabilis siyang nakaka-solve ng mga math problems, natatandaan niya rin ang isang story book ng word by word. Walang palya 'yon mga besh. Nakaka-inggit ang utak niya, nawawala na kasi 'yong akin.

"Hmm..that's good. He's my kid after all." Ay! Binagyo yata kami ng medyo slight. "But, I'm in conflict."

Itiniklop niya ang hawak-hawak niyang dyaryo at mariing tumitig sa akin. Na concsious naman ang beauty ko mga beshys! Hindi ako nakapag liptint kasi naubos na ang supply ko. Baka may muta rin ako.

"Po sir? Bakit po?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Should I just send him to states and make him attend an advance class or let him grow normally here?" Nalilito niyang tanong. Nararamdaman ko naman talaga na medyo nalilito siya sa pagkakaalam ko kasi sa states rin nag-aral itong si sir. Mas advance kasi ang utak ni sir kaya masyadong assuming. Char! I mean mas matalino si sir compared sa ibang tao. He's considered a prodigy after all.

"Thank you for your wonderful question, sir." Biro ko diti at nag-pose pa talaga ng pang-beauty queen.

Magkasalubong at nangungunot ang noo niya akong tiningnan na tila sinasabi na nababaliw na ako sakanya. Ay! nadulas ang bakla.

"Joke, joke, joke! Joke lang, sir. Masyado naman kasi kayong seryoso. Loosen up, girl! Let's go party! Go, go, go!" Please lang, self. Tumigil ka muna sa pagiging abnormal.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Where stories live. Discover now