14

79.2K 3.4K 363
                                    

Austine Villaluz POV

Dahil sa inis ko kay sir hindi na ako nakatulog. Tuwing ipinipikit ko yong magaganda at nakakahunaling kong mga mata naaalala ko iyong pisteng pagmumukha ni sir. Gwapo sana pero nakakasuka naman ang ugali. Blacklisted na yang si sir sa mga future crush ko.

Paikot-ikot lang ako dito sa kama at pagkatapos kong mapagod at mahilo kakaikot ko dito ay tumigil na ako. Baka mamaya ay sumuka na naman ako at makakita ng pisteng ahas. Napagdesisyonan kong maglibot na lamang dito sa kwarto ko. Mukhang ito na ang magiging kwarto ko simula ngayon kasi nandito ang maleta at backpack ko.

Akala ko ay doon ako makikitulog kasama ng mga kasambahay pero taliwas sa aking naiisip ay ang isang maganda at disenting kwarto. Malapit sa bintana ang higaan ko at may bedside table. May maliit rin akong sofa at tv na nakaharap sa kama ko. Kulay blue at white ang color motif dito sa kwarto. Bet ko sana ang pink pero keri na bes. Aarte pa ba ako eh more than-more than na ito. May laptop pa nga ako sa may study table sa may gilid.

Lumapit ako sa kulay puti kong study table at binuksa ang laptop. Tuwang-tuwa ako ng makitang connected sa wifi itong laptop. Shet! So lucky mga bes! Password na lang siguro ng wifi nila ang hihingin kong pabor kay senyora Nathaniel.

Binuksan ko ang facebook ko at tiningnan ang notifications. Mga shared post lang naman ito ng ate at kuya ko. May nakita akong nag-add sa akin kaya tiningnan ko kong sino ito. Shems! Mga bakla! Si papa Gillian nag-add sa akin. Haba ng hair ng lola niyo! Kabahan kayo Kathryn Bernardo, may tatalo na sa alindog niyo.

Mabilis kong tinanggap ang friend request niya dahil syempre, you know na mga bes, malapit na valentines. Pagod na akong personal na bumili ng rosas at ipadala sa sarili ko. Sagad na sagad na ako sa self love. Jusko po! Lovelife naman please.

Nakita ko ang pag-pop ng chat box. Si Papa Gillian, kinakamusta ako!

Gillian Ramos

4:46 pm

hey! Heard you're in Manila right now. How are you?

Hello rin! Nandito nga ako sa Manila hehe. May nag-offer kasi sa akin ng work. Okay lang ako dito kakarating lang namin. Ikaw?

Wow! Libre ka minsan 'pag nakauwi ka dito hahaha. I'm doing great, actually. Just a little sad that we didn't get to talk more.

Ano ka ba may messenger rin naman pwede magchika dito. Pero nakakalungkot rin talaga at hindi man lang tayo nakapag-usap.

Sayang at hindi na-develop ang relationship sa pagitan natin pero no problem naman ako sa LDR.Gusto ko sanang  idagdag pero masyadong aggresive ang approach mga bes dapat pademure lang tayo.

Hindi na nagreply si Gillian sa huli kong chat kaya naglog-out nalang ako. Feeling ko kasi guys may gusto talaga siyang sabihin sa akin kaso nahihiya siyang isiwalat kaya nag-iisip muna siya. Okay lang naman sa akin. Anonymous of google once quoted,"Patience is a virtue" kaya hayaan na natin mga bes. Oh ha! Ibang klase talaga pag may wifi kayo. #PreviligedOfaWifiPerson

Wala na naman akong ibang ginawa kay inembistigahan ko nalang si Sir Nathan sa google. Sabi kasi nila, know your enemy daw. Kaya ito naghahanap ng mga balita tungkol sa kaniya. Nag-like rin ako sa mga basher niya sa fb. May page kasi itong si sir. Lakas maka artista nitong si sir may pa-fanpage.

Natigil ako sa kakatingin sa google ng may kumatok mula sa pintuan nitong kwarto.

"Hey? Are you awake?" Narinig kong tanong ni sir Nathan mula sa labas kaya mabilis akong lumapit sa kama at nagtalukbong.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon