Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Prologo

96.3K 2.1K 413
                                    

All for love

Alpha Series # 10

A novel by:

xxakanexx

Surpresa

Nadia, alam mong nagkasundo na ang mga magulang ninyo ni Paeng, 'di ba? Kayong dalawa ang ikakasal, bakit mo hinahayaang makipagkaibigan siya kay Luisa Tejada?"

Nakatingin ang kaibigan kong si Celeste sa may kabilang mesa kung nasaan si Raphael Arandia—ang lalaking ipinagkasundo sa akin ng aking mga magulang—habang kausap niya si Luisa Tejada—ang bagong estudyante sa aming paaralan. Akala ko ako lang ang nakapapansin na nagkakalapit silang dalawa. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magselos sa kanya. Mayroon nga ba?

Alam ni Paeng na siya ang gusto ko. One of the reasons why we got engaged was because I told my dad that I love him—iyon naman ang totoo. Mahal ko si Paeng. Mga bata pa lang kami ay minahal ko na siya kaya nang sabihin sa amin ng aming mga magulang na kami ang ipinagkasundo ay masayang-masaya ako. Wala na siyang ibang choice kundi ang piliin ako dahil siya ay ang itinakda para sa akin ngunit baka parang nag-iiba na ang ihip ng hangin?

"Kung ako sa 'yo, Nadia, rendahan mo na si Paeng kaysa naman sa huli ay ikaw ang luluha ng dugo."

"Wala naman siguro akong dapat ipag-alala, Celeste. Ako ang natatangi para kay Paeng. Kahit saan siya pumunta, sa akin pa rin naman siya babagsak."

"Jusmio! H'wag kang pakasiguro! Kakaiba si Luisa Tejada. Kapansin-pansin talaga siya, 'no! Nakikita mo ba kung paano siya tingnan ng mga kalalakihan sa room? Are you sure you shouldn't be threatened by her?"

Pilit kong binalewala ang sinasabi sa akin ni Celeste. May tiwala ako kay Paeng. Susunod siya sa kanyang mga magulang at isa pa, alam kong espesyal ako para sa kanya. Kung hindi ba naman, bakit palagi niya akong inihahatid sa bahay kung wala lang pala?

Pero... mukhang tama si Celeste. Talagang ako ang luluha ng dugo sa aming dalawa ni Luisa.

Nang hapong iyon ay magkasabay kaming umuwi ni Paeng. Pinaghandaan ko pa nga iyong pagsasabay naming dalawa dahil talagang natuwa ako nang lapitan niya ako kanina. Gustong-gusto kong magkasabay kaming dalawa lalo na ngayon. Ang paglalakad kasama si Paeng pag-uwi ay isang bagay na pinakahihintay ko palagi. Sa school kasi ay hindi niya ako palaging pinapansin dahil kasama niya palagi ang mga barkada niya o kaya naman si Luisa.

Inayos ko pa nga ang buhok ko at naglagay ng pulang laso para mas maganda ako sa paningin niya. Ayon kay Paeng, may sasabihin daw siya sa akin kaya heto naman ako, sabik na sabik. Alam na niyang gusto ko siya, minsan ay nasabi ko na iyon sa kanya pero hindi siya sumagot at hanggang ngayon ay hinihintay ko ang sasabihin niya sa akin. Matiyaga akong maghihintay dahil gusto ko talaga si Paeng. Bata pa lang kami noon, alam kong siya na ang gusto kong makasama.

"Paeng, ano ba'ng sasabihin mo sa akin?" Hindi na ako nakatiis na magtanong sa kanya. Malapit na kasi kami sa bahay ko. Gusto ko nang marinig ang sasabihin niya dahil baka mamaya, magbago pa ang isipan niya.

Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Humarap si Paeng sa akin. Mas matangkad siya nang hindi hamak at dahil doon ay tinitingala ko siya. Napakaguwapo talaga niya, napakatangos ng ilong. Apat silang magkakapatid na lalaki pero para sa akin, litaw na litaw ang kaguwapuhan ni Raphael.

"Nadia, kakausapin ko ang Papa. Hihilingin ko sa kanyang iurong ang kasal natin."

Napalitan ng sakit ang nararamdaman ko. Nakatitig lamang ako kay Paeng. Nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ba'ng nararapat kong isagot sa kanya. Bakit niya ginagawa sa akin ito?

All for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon