Far away and alone

4.1K 47 2
                                    

Madilim na langit, maliwang na buwan, nagkikinangang mga bituwin at malamig na simoy ng hangin, ingay ng alon na humahampas sa malalaking bato ng dalampasigan at huni ng mga insektong nagliliparan.. Makapal na kwaderno at panulat, lumang lampara at buntong hininga. Sa lumipas na taon yan ang tanging sandigan ng kapayapaan ng taong nasaktan ng dahil sa kataksilan.

_____, POV

Ilang taon na ba ang lumipas? Ilang taon pa ba ang lilipas na mamumuhay ako ng magisa.. Malayo sa pamilya, malayo sa mga taong nakakakilala sa tunay kong pagkatao..

Marami ng nangyari at marami pang mangyayari. May mga iniwan ako sa aking nakaraan na ano't ano pa ay kailangan ko ring balikan. Di ko alam kung tuluyan na ba kong nakapagpatawad, sabi ng utak ko ay hindi pa dahil sa mga masasalimuot na alala, ngunit sa puso ko ramdam kong wala na.. Ayaw ko man pakinggan ang sinasabi nito pero di mapapagkaila kung gano sila kahalaga sa akin, kung gaano ko sila kamahal, kung gaano ko SYA KAMAHAL...

Yan ang naisulat ko sa panibagong pahina nitong aking kwaderno. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa malaking bato ng maramdaman kong mas lumalamig na ang haniging dumadampi sa akin, siguro nga ay lumalalim na ang gabi.

Sa aking paglalakad pauwi ay nakasalubong ko ang taong nagdala sa akin sa ilan sa aking mga pangarap.

Manong Aliyo: Magandang gabi sayo

VIC! Pumunta ka na naman sa opisina mo ano? Biro ni aliyo kay ara.

Vic: manong talaga! Magandang gabi din po, nagpahangin lang po ako hindi kase ako makatulog :-)

Aliyo: ay bata ka ako pa bang lokohin mo? Ay kung hindi ka makatulog tara at samahan mo kong magpaantok may lambanog dun sa bahay!

Vic: kayo talaga, sige tara po..

(si manong aliyo lang ang may kakaunting kaalaman sa pagkatao Ni ara dahil sya ang pinuno ng tribo at lugar kung saan napadpad si ara tinuring na din nitong anak si ara)

.

.

.

.

Aliyo: Maupo ka dyan TORU( A/N.tawag ng tribo kay vic, it means savior, xmpre etchos ko lang yung meaning, fiction nga eh. ) Di ka pa nagsasawa sayong opisina At kwaderno? SabaY inom sa bAso ng lambanog

Vic: Alam nyo NamaN pong dun ko nararamdaman Ang katahimikan sa aking sarili.

Aliyo: ilan Taon na Ba Ang lumipas? 7 taon na toru, marami ka na din Naitulong sa tribo At Sa lugar Na ito, hindi bA pAnahon na pArA hArapin aNg mga bAgaY na tunaY na makakapagbigay saYo ng katahimikan?

Vic: .... 7 taon na Nga Pala aNg lumipas ngunit nagtatago pa rin ako . Naiisip Ko kung kaYa Ko Na BA talaga hArapin ang NaKarAan...

Aliyo: toru!

Vic: pasensYa na Po inom ng lambanog hindi ko po aLaM kunG Kaya ko na.

Aliyo: pano Mo malalaman kunG Di Mo susubukan?

Vic: .....

Aliyo: Toru Anak subukAn mo lang, pArA din yun sa ikakapayapa ng KaloobaN Mo.. Sa tagal ng panahon aY waLa kang bAlitA Sa Kanila, at ganun din sila saYo. Mabuti kang Tao toru kaYA alam kong MagaGAwa mo Silang mapatawad at Maiaayos ulit aNg lahat.. Ang pagmamahal Mo Sa Kanila Ang muling magbabalik saYo Sa tunAY mong Mundo Sa tunAY mong Pagkatao.

Vic: ....... SanA Nga Manong ,Alam kong darating din sa panahong pagmamahal aNg gAgAwa ng parAan upang maayoS Ang nakaraan....

(A.N - Ayun first story Ko po ito out of Ewan..hehe joke.. Nakakastress kase ang life ko ngayon haha kesa magmukmok eh makapagsulat sulatan na lang..si ara at mika ang naisipan kong gawing character ng story kase idol ko talaga Si ara galang sa loob ng court at basta natutuwa lang ako sa kanila Ni mika reyes kaya nga nacurious Ako sa mga fanfic nila ayun napabasa at ngayon napasulat ako. pero wala talaga ko alam bout kay ara mapero sa basic infos, fan lang talaga ako ng Uaap volleyball since highschool, time pa Ni na daquis (FEU) and Hernandez (DLSU) favorite team Ko nun ang lady spikers at lady tammaraws ..so tagal na nun.. 2006 pa ata..haha.. So ayun susulat lang ako at hindi naman ako nageexpect ng mambabasa kase lam Kong boring to..parang ako.. Haha..Basta ako eh magsusulat! Pagpasenyahan nyo na po baka mamaya may manggera saken dito.. Peace... :-)

Love will never lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon