► Palabas

19 3 0
                                    


Friend#1: Uy friend, napanuod mo ba yung bagong palabas sa ano ngayon? Grabe! Napaka-ganda! Nakakaano yung kwento sobra.

Friend#2: Ay oo! Nakita ko nga sa tv! Ibang klase! Ang gagaling nila mag-anuhan doon.

Friend#3: Sinabi mo pa. Alam mo ba, sa sobrang ano ko sa kwento nun, inano ko na yung buong ano. Ito ang nakakaano, nag-aanuhan doon yung dalawang bida. Ahhh! Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung pag-aanuhan nila. Anong-ano pa rin ako hanggang ngayon.

Friend#1: Ano ba yan! Bakit mo naman inaano sa amin? Paano na namin papanuorin yung palabas? Pambihira ka naman!

Friend#2: Oo nga. Hays. Tara, umano na nga tayo. Inaano lang tayo nitong ano na to e.

-----
A/N: Hahahahahaha. Nakakamiss rin palang gumawa ng mga ganito.

Salamat sa mga nagbabasa ng katarantaduhan kong ito.

ANO SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon