► Tsismisan

674 15 1
                                    

Chismosa#1: Alam niyo ba na si ano pala ay dating ano sa ano?

Chismosa#2: Hindi. Pero talaga? Walang biro? Galing siya don? At dati siyang ano don?

Chismosa#1: Oo. Naano ko kasi siya dati sa may ano na nakikipag-ano sa mga ano. Kaya sigurado ako na dati siyang ano don.

Chismosa#3: Mga kumare, alam niyo ba na may ano pala si ano na taga-dito satin?

Chismosa#4: Hindi ako sigurado pero, parang may naano ako na ano na nandun siya kasama ang isang ano. Marahil siya yun at yung ano niya.

Chismosa#5: Ako din. Parang may naano naman ako na inaano naman niya ng ano ang isang ano habang naka-ano sila sa ano.

Chismosa#2: Grabe na talaga ang mga ano ngayon! Ibang klase!

Chismosa#1: Oo nga! Tama ka diyan!

Chismosa#5: Mare, alam mo ba na may ano yung asawa mo?

Chismosa#4: Ha!? May ano yung asawa ko!? Sabihin mo sakin! Sino!? Sino!!??

Chismosa#5: OA mo mare! Hindi ikaw yung sinasabihan ko! Drama mo masyado!

ANO SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon