#3 Her Side

961 13 0
                                    

 

 

Heart’s POV

 

 

Lumabas ako sandali para makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko naiipit ako sa loob, hindi ako makahinga. Parang kahit ano mang oras, bigla na lang akong sasabog sa inis.

Paano, pagkatapos ba naman naming magpapicture ni Mom kay Sandy, nilapitan siya ni Ice at inalok na sumabay kumain sa kanya.

Ang sakit! As in! Tagus-tagusan! Pakiramdam ko hindi ako nag-eexist. Pakiramdam ko hindi niya ko nakikita. Ang sakit na maneglect ka ng taong mahal mo.

Mahal na nga ba talaga? Oo, mahal ko na siya. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing makikita ko siya, bigla na lang akong napapangiti mag-isa. Baliw na ba ang tawag do’n? Baliw sa pag-ibig, OO.

Kainis. Sana ako na lang si Sandy. O kahit sana kasing ganda na lang niya ako. Kahit na ba mag-pinsan lang sila, hindi ko maiwasang magselos. Sobrang malapit sila sa isa’t-isa, daig pa nila ang magkapatid. Mukha nga silang magkasintahan ‘pag tiningnan mo silang nagtatawanan at hindi mo alam na magpinsan lang sila.

Ganito ba talaga mainlove? Ayoko ng ganito. Parang kahit anong oras, bigla na lang akong mamamatay.

 

 

“Don’t you think the sky looks lovely tonight?” Nagulat ako at napalingon sa aking tabi. Nakita ko ang nakatatandang kapatid ni Ice, si Light.

Hindi ko siya napansing tumabi sa akin. Nakakagulat naman ‘to.

“Did I scare you?” Tumingin siya sa aking mga mata, at nakita ko ang repleksyon ng isang malungkot na mukha, ng aking mukha. Umiling ako. “Girls shouldn’t frown ‘cause they look best when they smile, just like the sky tonight,” dagdag pa niya.

Teka, bakit ba ako kinakausap nito? Akala ko suplado ‘to? Hindi kasi palasalita tapos lagi pang alone at hindi madalas ngumiti, hindi katulad ni Ice ko. Take note, KO. Oh, well. Makikisakay na lang ako, mabait naman pala siya e.

“Give me a reason not to frown when the person you love, doesn’t seem to notice you at all…” Sagot ko sa kanya.

Ay patay! Ano ba ‘yon?! Sa’n nanggaling ‘yon?! MALI! Ano bang sinabi ko?! Sana hindi niya magets! Sana hindi niya magets! Sana hindi niya—

“Are you talking about Ice?”

Magets.

BOOM!

Nagets niya! Nagets niya! Nagets niya! Pa’no niya nagets ‘yon?!

“How did you--” Naputol ang aking pagsasalita nang bigla niyang hawakan ang aking kamay habang sya ay nakayuko. Namula agad ang aking mukha.

HALA.

“I-I just knew, that’s all. Y-You’re too obvious,” inangat nya ang kanyang ulo upang tumigin sa akin at naging seryoso ang kanyang mukha. “C-Can we be…” Huminto siya at nakita kong napalunok siya.

Bakit kabado?

“Be…?” Tanong ko.

Ang bagal e, nasususpense ako. ‘Di ako makahinga sa sasabihin niya.

Ay ano ba ‘to, assuming ako? Sino ba talaga, ha? Si Ice o si Light? Ang kerengkeng mong babae ka, nawala lang saglit si Ice sa paningin mo, lumandi ka na sa iba ah. At dito pa talaga sa kapatid niya.

“Be…” Lumunok ulit siya.

Naman! Suspense kung suspense talaga ang drama!

“F-Friends?”

An Unrequited Love - a Short Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon