Chapter 2

34 18 0
                                    

Chloe's POV

Andito kami ngayon sa bahay ni Andrea kasalukuyan na gumagawa ng project

Ewan koba! Si Kim kasi may plano na dito gawin ang project namin. Hindi sa nang e-echos ako ah, pero ayuko kasi sa bahay ni Andrea. Masyadong creepy. Makaluma ang dating na para bang inabutan pa ng panahon ng mga kastila. Isa pa, lahat ata ng bagay sa bahay na ito ay parang nakakatawag pansin. Wierd nga eh! Kasi halos lahat nakadikit sa dingding ay mga puro nakakapanindig balahibo. Akalain moba naman na mga larawang laging nakatingin sa bawat galaw mo? Siguro ito yung mga ninuno nina Andrea. Ang tataray kung makatingin.

Malaki at malawak ang bahay ni Andrea. Tahimik, at malayo sa ibang kabahayan. Wala kang makikita na ibang tao na naninilbihan sa mansyon na ito.

" Uy, Chloe samahan mo muna ako mag C.R naiihi na kasi ako eh "

" Bakit hindi ka mag-isang umihi? Bakit kailangan kopang sumama? "

" Andrea? San ang C.R nyo dito? "

" Street in the hall, and next door to the left " hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Andrea. Abala ang lola niyo sa paglalagay ng picture sa mga papel.

" Okay,! Halika kana... "

Busit na babaeng to! Kinaladkad nako palabas. Naiwan dun sina Jess at Andrea sa may sala.

" Tapos kana ba? " ang tagal.

No answer.

Abat!

" Hoy! Kim! Wag mo nga akong pinagloloko! Tatamaan ka talaga sakin "

" Kim? "

" Ki---shit! "

Halos mawalan ako ng balanse sa aking naaninag. Isang babae na nakatayo sa likod ni Kim. M-may kasama si Kim?

Sino naman yan? Wala namang kasama dito sa bahay niya si Andrea ah.

Matangkad ang babae.

Wala itong sapin sa paa. Mataas at marumi ang suot nitong bistida na hanggang talampakan. Mahaba ang kanyang buhok.

" K-Kim? S-sino y-yang n-nasa...Aahhhhhh!!!!!!!! "

***

" Chloe? Gising! Chloe " iminulat ko ang aking mata at agad nasilayan ang muka ni Kim na nag-alala.

" Anong nangyari.? Asan ako? "

" Andito tayo sa bahay ni Andrea. Remember gumagawa tayo ng project tapos niyaya kitang mag C.R after nun naabutan kita sa labas ng banyo na wala nang malay. Ano bang nangyari? "

" Nahimatay ako sa labas ng banyo.? "

" Ano ba kasi nangyari sayo Chloe? Bat ka nahimatay? Ay naku dhai, wag mong sabihing buntis ka? Sasabunutan talaga kita! Akala koba, aral muna bago BF ang uunahin mo? Hay naku! Naglalandi kana din?"

" Gaga! Hindi ako buntis. Nahimatay lang buntis kaagad? Hindi ba pedeng may anemia lang? Masyado kang exaggarated eh! May ano lang k-kasi... "

Hindi ko alam kung sasabihin koba sa kanila ang nakita ko.? Maski ako hindi rin sigurado sa nangyari. Guni-guni ko kaya yun dulot ng matinding pagod? Stress din kasi ako sa school lately eh. Since ako ang President ng Student Council ng school kaya lahat nakatuka sakin.

" Wala. Pagod lang sigurado "

" Mabuti pa, magpahinga ka muna. Kami nalang ang gagawa nito. Diba Andrea? "

" Yeah " maikling komento ni andrea.

Palagi talagang tahimik ang babaeng yan. Hindi uso ang smile.

Wala akong mapansin na emosyon sa mga mata niya. Ano bayan!

***
Andrea's POV

Mag-isa akong naglalakad sa may hallway ng department namin. Papunta ako ngayon sa silid namin. Maaga pa naman pero gusto kong tumambay muna don para makaidlip man lang sandali. Puyat kasi ako eh! Parang tatlong beses ata akong nakatulog ng maayos sa loob ng dalawang linggo. Hindi biro itong nangyayari sakin. I need to sleep.

Habang naglalakad ako kapansin-pansin din ang tilang nag e-echong mga yabag na namumuo sa buong hallway nitong tinitungo ko dulot ng aking sapatos senyalis lang na wala pa ngang ibang studyante ang nandito. Himala naman kasi na may pumasok na ganito ka aga maliban saki---

" Hmm... " napahinto ako sa paglalakad

Ano yun?

" Shit!... "

Nahintakutan ako saking narinig. Tila isang munting tinig na para bang malapit lang sa kinaroroonan ko.

" Hmmm "

Ayan na naman.

Mga ungol at parang may mumuting kaluskus.

" Hmm.! Hmm! " mas lalong naririnig kona ito ng malinaw pero mahina lang.

Bigla akong kinabahan!

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa napadaan ako sa mismong classroom na pinanggagalingan ng boses.

Napasilip ako sa bahaging yun at hindi sinasadyang masaksihan ang dalawang tao, isang babae at isang lalaki na kapwang nakatayo sa gilid ng chalk board at naghahalikan.?

-____-

Seriously guize?!

Ginawa pa talagang Motel ang classroom. Nakakadiri nato!

" Akala ko ano na--- "

" Akala mo ano? "

Napamura ako ng malakas saking isipan nang bigla nalang may nagsalita mula saking likuran. Mahina lang ang pagkakasabi niya nun na para bang ayaw niyang ipaalam sa dalawang nasa loob ng classroom at gumagawa ng milagro na may mga taong nakakakita sa kanila.

Isang matangkad na lalaki na sa tancha ko nasa 5'14 ang taas at hanggang balikat lang niya ako. Medyo magulo ang kanyang brown hair at may kunting highlight sa gilid. Nakasuot lang siya ng Plain T-shirt at Ripped Jeans. May dala-dala din itong gitara sa likod niya.

Tiningnan ko siya ng blanko.

Bigla nalang siyang sumimangot.

Ano bang problema nito? Duh, whatever it is I could careless!

" Uy, sandali lang Miss. ! Ano yung akala mo kanina? Paliwanag mo naman. " ngumiti narin siya ng nakakaloko.

Bipolar.

bwesit na bwesit ako sa kanya.
Halata namang alam niya ang sagot bakit paba niya tinatanong? Para ano? Para asarin ako? O ipahiya ako?

Pagkarating ko dumiretso agad ako sa upuan ko.

" Can we talk. "

Hindi ko siya pinansin. Hanggang dito ba naman sinundan parin niya pala ako.

" Hey--- " nagulat ako sa biglang pag hawak niya sa balikat ko!

" DON'T FUCKING TOUCH ME! " singhal ko ka agad

Nabigla rin siya sa pagkakasigaw ko. Maski ako ay nagulat din sa naging asal ko.

" Okay " taas kamay na wika niya

" May alam kaba tungkol sa pagkawala ng ibang estudyante dito.? " Hindi ko siya sinagot.

" Wala kabang balak na kausapin ako? "

" Okay. Pero, kapag may alam ka sa mga nangyayari o may kahinahinala sa paligid mo...tawagan molang ako! Ito ang number ko "

" Sige, alis nako Miss---sungit! " sabay kindat sakin at ngumiti bago tuluyang umalis.

Napatingin ako dun sa iniwan niyang papel.

Nagdadalawang isip ako kung dadamputin koba o hindi...

Kalaunay, nilagay ko nalang ito saking bag na hindi binabasa at natulog nalang.

***
A/N:
Thank you for reading 😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Behind Your BackWhere stories live. Discover now