Chapter 1

53 16 0
                                    

Andrea's POV

" Hoy! Andrea? Still there? Hello? Nasa Earth kapa ba? " napabalik ako sa realidad ng tapikin ako ni Jessa sa balikat.

Napasobra pala ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay kaya hindi ko namalayan kung gaano ako katagal na mukang tanga sa harapan nila.

Hindi ko siya sinagot bagkus tiningnan kolang ito ng bahagya.

" Okay kalang? " tanong uli niya

Nanatili parin akong tahimik at walang kibo kaya naman ay bakas na bakas na talaga sa kanyang muka ang pagkairita. Kapansin-pansin din ang pagbuga nito sa hangin at ibinaling nalang ang attention sa ibang bagay.

Ang totoo niyan hindi naman talaga ako okay.

Wala naman kasi akong balak mag kwento sa mga ito kung ano itong pinag-iisip ko nitong nakaraan araw, kung bakit napapadalas ang pagkatulala at balisa ko. Hindi naman kasi talaga ako Close sa kanila. Matagal na ang 'Friendship' daw namin. Mahigit 2 years na. Pero the way they talked to me, they treated me, kahit na ang pakikipag-asaran sa isat-isa ay hindi ko makuhang makisabay. Feeling ko kasi lagi akong O-out place sa kanila o di kaya iba talaga ako sa kanila.

Sa bagay, hindi ko naman talaga sila kinakausap. Simula paman nuon, magsasalita lang ako kapag kailangan. Ewan koba! Naging habit kona ata ang ganito nagsimula ito nung tumuntong na ako ng kolehiyo.

Hindi naman ako ganito ka tahimik 'dati' madalas akong makikipagkwentuhan sa mga kaklase ko nuong nasa H.S ako. Hindi korin maintindihan kung bakit ganito kalaki ang pinagbago ko na para bang wala akong ganang makipag-usap, walang pakialam sa taong nasa paligid ko, nawalawala lagi ang gana ko sa mga bagay-bagay. Daig kopa ang isang Zombie na gumagalaw lang pero laging lutang.

Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit gugustuhin nilang makasama ang gaya ko! Pinagt-tyagaan nila ang isang tao na sobra pa sa hangin kung ituring sila.

" Mamaya pala punta tayo sa photoshoot studio huh? Dun tayo gagawa ng assignment. " biglang pag-singit ni Chloe

Isa rin siya sa grupo. Isa sa mga subject namin ang Photography kaya lagi kaming may dalang digicam.

" Hala! Kailan pala ang deadline nun Chloe? Muntik konang makalimutan ang tungkol dun ah. Oh My! "
gulat na sambit ni Kimberly. She's also one of.

Anim kaming nasa grupo na nag-aaral na ngayon sa Koleheyo.

Ang dalawa pa ay sina Shenna at Pia na kapwang nasa kanya-kanyang mga klase pa hanggang ngayon.

Bali, Ako, Si Chloe, Jess at kim ay magkaklase at parehong nasa iisang block seksyon na kasalukuyang kumukuha ng Fine Arts.

Si Shenna nasa HRM department while Pia nasa Biology department.

Silang lahat ay puro mayayaman na wala sa bokabularyo ang pagkakaroon ng problema sa pera. Dun sila nakakalamang sakin. Dahil ako ang natatanging naiiba sa kanilang lahat.

" Hay naku! kailan paba matatapos sina Shenna at Pia sa mga klase nila? Gutom nako! Anong oras na oh? " pagmamaktol ni Jessa na para bang isang bata.

Naaaliw din minsan ang isang ito.

Oo nga nuh! Anong oras na pero hanggang ngayon wala padin sila. Usually, 12:15 noon ay kompleto na kami dito saming tambayan kung saan sabay-sabay kaming kumakain ng lunch.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit natagalan ang dalawang yun?

12:20 na.

" Mabuti pa tawagan nyo na! Baka may ginawa lang ang mga yun" sabi ko sa kanila na siya namang ikinagulat nilang lahat. .

She's Behind Your BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon