CHAPTER † FIFTEEN

6.3K 284 8
                                    

A/N: Hello po!! Dedicated sa kanya! Thanks for reading!! And please don't forget to read the A/N at the end of this chapter everyone! Okay start reading! :)

---

 

 

 

C H A P T E R   F I F T E E N

 

 

[Mr. Shearer’s P.O.V.]

 

 

 

 

“Ahhmmm… hindi naman madaling masira ang mga gamit dito… Bakit?” nagtatakang tanong ko. Sa pagkaka-alam ko, matitibay ang mga gamit dito sa room ng mga Class A student dahil expected na malalakas sila at laging gumagamit ng mahika ng walang pahintulot o kung magkakainitan ay gagamit sila ng mahika. Kaya maraming natatakot sa Class A. Pero bakit naman niya tinatanong? Totohanin ba niya na magpapakitang gilas siya?

Akala ko aatras siya. Well, nandito siya sa Class A, what to expect? Lahat ng mga Class A ay magagaling, dahil pinipili sila ng maayos base sa mga antas nila. Nabigla naman ako ng tumungo siya, so aatras pala siya? Akala ko pa naman, well baguhan pa siya. Siguro’y natatakot siya o nahihiya.

We can change that, walang takot at hiya-hiya sa Class A. masasanay din siya pagdating ng panahon. Hahawakan ko na sana siya para tanungin kung no ang problema nang— *BOOOGGSHHHH!!*

Bigla nalang bumukas ang pinto. “Master Shearer! Pinapatawag kayo ng Headmaster!!” sabi ng nakakarindi kong kapwa guro. “Bakit daw?” tanong ko pabalik at umayos ng tayo, pumasok naman siya. “May pagpupulong na gaganapin ngayon din. Napaka-importante daw po nito… tungkol po sa propesiya.” Sagot niya agad sa tanong ko pero binulong lang ang panghuli.

Anong tungkol sa propesiya? May nakita na naman ang orakulo? For sixteen years… ngayon lang ulit nagkaroon ng pangitain ang tandang orakulo. Tungkol kaya ito sa nakatakdang Prinsesang Mandirigma? “Susunod agad ako… may gagawin lang ako sandali…” ani ko, pakiramdam ko kasi may malakas na enerhiya sa paligid. “Pero Master Shearer—“ hindi niya natapos ng dapat sasabihin kasi may tinitingnan siya sa likod ko. Naguguluhan ako sa ekspresyon niya dahil gulat na gulat ito.

Nilingon ko sila Zack pero pareho lang ang mga ekspresyon nila, gulat. Nilingon ko ang likuran para masagot na ang mga tanong ko—At nakita ko si Alexa. May hawak siyang bola ng puting enerhiya sa magkabilang kamay. Sa likuran niya ay ang bolang enerhiya ng apat na elemento. Nakahati ito by ¼, isang parte ay ang pulang apoy na may kunting asul, makikita din ang elementong hangin dahil nagkulay abo at puti ito, ang elementong tubig ay nag-swirl, at may mga bato at lupa ay close compact to each other na nagsisimbolo sa elementong Earth. At nagpaikot-ikot ito.

Sacred Hollow Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon