CHAPTER † ONE

11.1K 379 10
                                    

 A/N: No proofreading, expect errors ahead... ENJOY!

---

C H A P T E R   O N E

[Her P.O.V.]

 

 

“hmmm...” ungol ko, ang sakit ng katawan ko. Ano ba ang nangyari? Nasaan ako? Sinuri ko ang paligid ko, nandito pala ako sa bodega ng bahay ko. Dahan dahan na akong tumayo dahil ang sakit ng likod ko. Alangan namang manatili akong nakahiga doon, tanga lang? Joke (-__-)

Unti-unti ko ng natandaan ang nangyari kanina “Ha-ha-ha” I laugh bitterly to what I’ve done.  What should I do now? For sure, they’re going to hunt me. Naman oh!! Saan nako pupunta ngayon? Hindi kaya sila nasaktan? Teka!! Saan yung librong yun?

Hinanap ko sa lapag at nandun nga malapit sa bag ko, kinuha ko ito at sinuri. Ano kaya ‘to? Binuklat ko ito at binasa ang unang sulat na nakita ko, nababasa ko na kasi eh at medyo naintindihan ko na unti. Ewan (-_-)

“Libro Cantus... Ventus autem superaverint...” basa ko dito pero wala namang nangyari eh. Niloloko ata ako nitong librong ‘to. (-_-)

“Pamagat yan ng librong binasa mo kaya walang nangyayari...” sabi ng maliit na boses. Ang liit nun ah--- (O_O)!! Ano yun?

Unti-unti kong binaba ang libro at nakita ko ang isang maliit na batang lalaking may pakpak at... lumilipad? Ay malamang (-_-) Hala ka!! (O_O)  Ang liit niya, kasing laki siya ng hintuturo ko. At ang--- pano ba ‘to? Cute siya? Oo na, ang cute niya. “Ano ka?” di ko mapigilang di magtanong.

“Aray naman!! Wala man lang Hi o Hello diyan?” parang batang sabi niya—ay bata nga pala talaga ‘to. Nag-pout pa siya ah, ang cute.

“Ikaw nga diyan nanggugulat, bigla-bigla nalang nagsasalita... tss” pairap na sabi ko. Tanga din eh.

“Ay!! Oo nga ‘no? Hehehe. Ako pala ang iyong guardian, isang pixie guardian—AT HINDI AKO TANGA!!” parang nahihiyang sabi niya at napapakamot din ng ulo pero bigla-bigla na namang sumigaw. Tss. Ang sakit ng tenga dun ah, makasigaw kasi eh. Pano niya nalaman na sinabihan ko siya ng tanga sa ISIP ko lamang?

“Alam ko lahat ng iniisip mo dahil ako na ang partner mo simula ngayon!!” masiglang sabi niya, grabe bipolar ba ‘to? Kanina lang galit? O nagtatampo? Tss. Nevermind. (-_-)

“Anong konek? Tsaka partner? Saan?” nagtatakang tanong ko, eh sa hindi ko nga alam ang pinagsasabi nito.

Sacred Hollow Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon