Chapter 12

123 12 9
                                    

Chapter 12

•~•~•

Hindi ko alam kung ano ba dapag kong ireact sa mga nangyayari lalo na sa inakto lang ni Yoongi kanina.

Is Hoseok the killer?

Pero ewan ko, may doubt na namumuo sa sarili ko at mas lalong ang hirap paniwalaan ng ideyang iyo. Pero anong gagawin ko kung malaman ko na siya nga? Siya talaga ang pumatay sa magulang ko, kay Jimin, at kay Namjoon? Paano pag siya nga? Ano na gagawin ko?

I am so drowned with my own thoughts that I didn't notice Seokjin bumping into me. Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat pa siya nang makita ako pero napalitan ng ngiti at masaya ang gulat niyang mukha.

"Hey! It's been awhile, how are you?"

Hindi ako sumagot at napayuko na lang. I'm not fine at hindi ko alam kung kaya ko pang itago ang nararamdaman ko. Hindi ba obvious? Gustong gusto ko na matapos 'to lahat.

Naramdaman kong pumulupot ang mga braso ni Seokjin sa katawan ko at inisandal ang ulo ko gamit ang kamay niya. Hinimas himas niyang buhok ko at di ko na napigilan ang pagiyak ko. Iyak lang ako ng iyak at hindi siya nagsasalita. Hinahayaan niya akong umiyak sa mga braso niya kahit nababasa ko na ang mga damit niya.

But I feel comfort. I feel that I am safe. And for the first time again, I feel light.

"You know what they say, hugs are magic." Biglang sabi niya dahilan para mabasag ang katahimikan sa paligid namin. Humiwalay ako sakaniya at tsaka nagpunas ng mga luha ko.

"I'm sorry if you saw me in this state."

"It's fine. Ganan rin naman estado ko dati.." unti unting humina ang boses niya at napahawak siya sa ulo niya. Bigla akong nataranta habang inaalalayan ang katawan niya dahil parang bigla siyang nahilo.

"M-my meds." Sabi niya sa akin habang inaabot ang shoulder bag niya na nasa gilid niya. Binuksan ko ang bag niya at nakita ang isang bote ng gamot, this must be it. Agad kong inabot sakaniya yun at wala namang sabi na kumuha uli siya ng tatlong pill bago lunukin yun nang hindi man lang umiinom ng tubig. Mamaya maya pa'y napatayo na siya ng ayos pero nakahawak pa rin siya sa ulo niya.

"Are you okay?" Nagaalala kong tanong sakaniya.

"I'm fine. I'm sorry if you saw me in this state."

Napatawa ako sa sinabi niya, "You just repeated what I have said."

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school namin.

Napabuntong hinga siya habang binabalik ang bote ng gamot sa bag niya. Napatingin ako sakaniya at hindi ko naiwasang hindi ma-curious, "I wonder kung bakit napakarami naman ng pill na tinatake mo." Sabi ko sakaniya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Because I get headaches often."

"Pero hindi maganda ang pagtatake ng medicines palagi. Remember, they are still a bunch of chemicals. They may harm you lalo na pag na-overdose ka."

"You are right pero hindi ko mapigilan e'. Nasanay na kasi akong ganito simula nung lumabas ako ng hospital."

"Oh, naaksidente ka ba? Kaya nagkakaroon ka ng sakit ng ulo?"

"Hmm, something like that."

"Bakit hindi ka magpa-check up? Kesa naman magpaka-adik ka diyan sa gamot."

Inakbayan niya ako bigla kaya napapitlag ako pero napangiti na rin lang, "Crush mo ko 'no?" Tanong niya sabay may pagtaas baba pa ng dalawa niyang kilay. Napairap ako sakaniya at siniko siya ng mahina.

"Kapal ng mukha mo. You just remind me of my friends."

"Why's that?"

"One is an addict of games and one is an addict of cigarettes. And you, is an addict of pills. Too much addiction isn't good."

"Paano ba matanggal ang pagka-adik ng isang tao?"

Napaisip ako sa sinabi niya, "Through rehabilitation? Treatment?" Patanong na sagot ko sakaniya.

"What if walang budget? Paano siya magpapacheck up?"

"Hmm, then you should force yourself to get rid of the things where you are addicted to."

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko at hinayaan ko na lang.

Nang makarating kami sa may gate ay nakita ko si Taehyung na palabas na rin ng school. Napatingin siya sa akin at sa kasama ko pero napailing na lang bago naglakad palayo. Mukhang napansin rin ni Seokjin yun kaya nakatingin lang siya kay Taehyung habang nawala na ang pigura nito sa paningin namin.

"I always don't feel good everytime I see that guy."

"You mean Taehyung? I thought you hated Jungkook more."

"Yes, he gives me dark vibes that I don't like."

Bigla akong kinabahan, "Please don't tell me na hindi mo naman iniisip na siya yung killer diba? It is impossible also. Taehyung acts like a child!"

Bigla siyang napatawa, "Of course not! Pero who knows." Ngumiti siya ng tipid sa akin bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating na ako sa isang waiting shed ay napatingin ako sa tapat ng kalsada. Hindi ko naiwasang hindi maging malungkot, this is where I witnessed Namjoon's death.

"Spacing out? Something happened there?" Napatingin ako kay Seokjin na ngayon ay nakatingin na rin sa tapat ng kalsada.

"Yes, that is where someone took Namjoon's life away." Malungkot na saad ko.

"T-that's sad." Nagulat ako nang bigla siyang nabulol at napaiwas ng tingin.

"Anyways, thank you for walking me. I guess I can handle my own." Sabi ko sakaniya at ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik pero hindi pa rin siya naalis ng pwesto niya.

"O? Bakit ayaw mo pa umalis?"

"I want to make sure you are safe."

Biglang naginit ang mga pisngi ko sa sinabi niya at napaiwas ng tingin. Ewan ko, pero bakit impak nung sinabi niya sa akin?

"Pero I have something to tell you."

"W-what is it?" Nahihiya kong tanong habang unti unti uli tumingin sakaniya.

"Diba you told me ago that we should get rid of someone's addiction in order to cure himself?"

"Yes, something like that."

"Then should we get rid of you?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

What the hell?

•~•~•

Addiction • BTSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant