Chapter 1 "Courtship"

9.1K 139 15
                                    

Gusto ko ededicate ito sa pinaka Idol ko na si Alyloony . Haha sayo ulet sis, naalala mo pa kayoaako? Lol. BTW KYAAAAH Congratulations! na publish na ang BTCHO and ito po super excited na ako sa movie hahaha. Napaka galing mo talaga :)  u inspired me talaga. Thank you po ^___^  

[NIchole’s POV]

Tatlong  araw na ang lumipas simula nung confession namin dalawa ni Miko sa harap ng buong studyante sa campus. heto  kami ngayon naglalakad sa hallway Take note kami lang dalawa.ayiee..kinikilig ako. Kase pag may dumaan magpapadala talaga ako ng kidlat ng wala sa oras at mamatay iyon! Gosh huwag nila sirain ang moment namin, minsan lang ito!

 Feeling ko hindi ito school eh feeling ko nasa langit na ako Heaven talaga ito..heaven..acccck!  Hindi ko mapigilan ang kiligin lalo na pag nagtatama ang mga mata namin ni Miko. Siya agad ang umiiwas mukha hindi niya ma take ang pagiging dyosa ko sa kagandahan. Nagpipigil na lang ako na hindi matawa lalo na pagnakikita ko siya na namumula at napapahawak ito sa batok niya na wari may gusto sabihin. Hindi ko talaga kaya  e describe ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang saya saya ko, iyong puso ko halos magtatalon sa sobra kaligayahan. Sino ba naman hindi? Kung kasama mo na ngayon ang lalaki mahal mo at ang malupet pa ay he loves me too.

“Ahm..N-Nichole..”-Miko. Halos mapatalon ako sa gulat nung marinig ko ang boses niya pero hindi ako nagpahalata. Pa simple ako napahawak sa dibdib ko para kalmahin ang puso  ko. Shock! Kinakabahan ako, ano kaya sasabihin niya?

“Yes?” nakita ko na tumingin siya sakin at bumuka ang bibig niya na wari may sasabihin pero hindi niya naituloy at muli umiwas ng tingin. Muli ako nabuhayan noong muli siya tumingin sa akin at muli magsasalita, ako naman ito hinihintay ang sasabihin niya. Naiinip na ako pero hindi ko maiwasan ang hindi matawa. After ng lahat ng ginawa niya, ngayon pa ba siya ulet magiging torpe? Pa simple ako napangiti ng maalala lahat ng effort niya.

Nagulat ako ng huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin, ako naman ay automatic na napahinto rin at humarap sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko, ilang segundo na nagkatitgan kami, promise feeling ko malulunod na ako sa tingin niya hahaha. Dahan dahan siya tumingin sa mga kamay ko at hinawakan ito. Medyo naramdaman ko pa na medyo nanginginig ito. Hindi ko na talaga alam kung ano nangyayari kay Miko pero he never failed me to laugh at kiligin ng dahil sa pinanggawa niya.

“N-Nichole..” nahahalata ko na n-nerbyos siya.

“Yes, Miko ano iyon?” Ano ba kase gusto mo sabihin? Ganon ba talaga kahirap na sabihin na. Nichole can you be my girlfriend? Tayo na ba? Girlfriend na ba kita? Ganon ba talaga kahirap iyon kung alam naman niya na ,Oo na agad ang sagot ko! Yes tama kayo hindi pa kami Miko. 

***

Kase naalala ko after ng confession namin dalawa, syempre todo max ang kilig namin dalawa. Hinatid niya ako sa bahay. Tapos bigla ko natanong sa sarili ko.

“W-wait kami na ba?” Bigla ako nagulohan. Ano iyon ganon ganon na lang iyon? After ng confession kami ng dalawa? Wala man lang ligawan na naganap? Tapos bigla sabi ng  kabila side ng utak ko, Nichole, bobo ka ba o sadya bulag ka lang! Ano pala iyong mga efforts sayo ni Miko noon na ni reject mo pa siya ng ilang beses. Katulad nung kumanta siya ng corny na kanta iyon tapos nilait mo pa siya at ito pa, iyong nangyari kanina hindi ba iyon panliligaw? Potek ang choosy mo ah!

May AIDS ako?! [ONGOING STORY] by JwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon