May AIDS ako?! (Short Story) by Jwritten

82K 2K 644
                                    

  I want to dedicate this story to Ms. Alyloony, ang ganda ganda talaga ng BTCHO mo sis. Halo halong emosyon ang naramdaman ko dun. Ang galing galing mong Author^^

****

 Stalker? Admirer? Suitor? Normal lang ang mga iyan para sa isang katulad ko na biniyayaan ng ankin kagandahan. Sadyang marami lang nakaka appreciate sa gifted kong mukha at katawan.

             Flowers?Teddy Bears? Chocolates? Letters? at kung ano ano pa man. Normal lang din iyan para makatanggap ako ng libo libong ganyan sa loob ng  isang lingo. Yes, ganyan ako kaganda.

            Inggitera? Selosa? Kaaway ? Anti Clubs? normal lang din iyan. Sila kasi iyang mga inggit lang sa beauty ko. Palibhasa hindi nabiyayaan ng ganitong kagandang mukha.

***

Galing akong salon, nagpa curl ako ng hair para naman maiba ang beauty ko hindi iyong puro straight na lang, nakakasawa na! Ngayon masasabi ko na mas lalong gumanda ang hair and face ko.

  Pagdating ko sa school agad ako pinagkagulohan ng mga kalalakihan. Oh yeah thank you sa mala diyosa kong mukha.

 "Hi "Bati ko sa isang lalaki na may hawak na roses then I winked at him nagulat ako ng biglang nahimatay?  Ganyan ang beauty power ko, kindat palang pamatay na. Pumunta ako sa locker ko, as usual marami na naman letters, chocolates at flowers at kung ano ano pa.Ano ba 'to feeling ko nagiging department store na ang locker ko sa dami ng nagbibigay. Pwede na ata ako gumawa ng isang flower shop o di kaya chocolate store  tsk tsk. 

 Pero wala me care, isa lang gusto kong makita sa lahat at iyon ay ang isang cd na may black and red ribbon na meron nakaipit  na isang papel. Almost One year ko na rin hinihintay ang cd iyon, pero hanggang ngayon wala pa rin. Nalulungkot ako kasi alam ko hindi pa rin siya bumabalik.

*Sighed*

 "Kailan kaya siya babalik ulit?"

 "Nichole" Napatingin ako sa tumawag sa'kin then I saw Claire, one of my bestfriend.

"Nakz mukhang mas lalong dumadami ang flowers, chocolates ang letters ah" Makikita mo ang pagiging sarcastic nito. Tsss naiingit ata si Best. Di na rin ako magtataka eh sa mas  maganda ako sa kanya eh. Kasalanan ko bang biniyayaan ako kesa sa kanya? Duh!

 "Oo nga eh, kaya best tawagin mo na  ang Janitress, pasabe itapon na lahat ng iyan" Utos ko sa kanya then kinuha ko ang mga  books ko para pumunta na sa next class. Sa bawat classroom na nadaanan ko mas lalo ko na a-appreciate ang blessing na meron ako and  that's what you call

 Beauty

Araw araw ko na aapreciate iyan, sino ba naman ang hindi? Sa bawat pagdaan ko sa ibang rooms napapatingin silang lahat sa'kin. Bakas ang pagkabighani ng mga kalalakihan sa ankin kong beauty at sa mga kababaehan naman bakas ang pagka inggitera nila sa akin, duh! Mamatay kayo sa inggit.

 Maging sa paglabas ko ng school nandiyan na ang mga kalalakihan nag aagawan ihatid ako.

 "Sorry guys, di ko kailangan ng tagahatid, See" sabay turo ko sa Altes " my Car ako, bye" Nag flying kiss ako sa kanilang lahat  at halos mabaliw sila sa kagandahan ko wuhahaha.

 Iyan ako noon, pero unti unting nagbago ng dahil sa kumakalat na rumor tungkol sa'kin.

  Galing ako sa photo shoot ng Bench, yes I'm a model, dapat lang! sayang naman ang beauty ko kung di ma display sa public haha! Pagpasok ko sa school nagulat na lang ako kung bakit wala ata mga boys na nag a-abang sa'kin. I park my Car muna sa parking lot at sa pagbaba ko, nagtataka pa rin ako bakit wala pa rin Boys. Haller! nandito na kaya ang diyosa, bakit walang mga sumasamba?  walang sumasamba sa beauty ko ngayon, Nakakapagtaka!

May AIDS ako?! [ONGOING STORY] by JwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon