Chapter 2

2.6K 70 15
                                    

"Tris----"

 Natigilan ako.Naramdaman ko kung pano unti-unting nawala ang mga ngiti sa mga labi ko. Hindi ko ine-expect na makikita siya ngayon. Dito. Pinilit kong huwag magpakita ng kahit na anong uri ng emosyon.

 "Mukang may iba ka yatang inaasahan na bisita Ellaine." sakrastikong saad niya habang deretso siyang nakatingin sa aking mga mata ngunit nauna akong nag-iwas ng paniningin.

  "I...I thought you're Tristan. A-Akala ko kasi uuwi siya ngayon ng maaga." paliwanag ko na hindi man lang makatingin ng deretso sa kanya.

   "Kaya ba napagkamalam mong ako si Tristan ha? Bakit Ellaine? Dito na ba sa kwarto mo dumederetso si Tristan 'pag umuuwi siya?" 


Mabilis kong inangat ang  ulo ko paharap sa kanya at ipinukol ko ang puno ng galit kong mga titig. Hindi siya umiwas, bagkus nakipagtagisan siya ng titigan.

  "Bakit hindi ka makasagot?"

Nagsisimula ng manginig ang mga kamao niya dahil sa galit. Namumuhi. Napalitan ng pagka-sakrastika ang galit kong itsura. Itinaas ko ang chin ko.Pilit ko ring itinaas ang kilay ko na alam niyang hindi ko naman ginagawa kahit nagagalit ako. Ngunit sa likod no'n ay halata pa rin ang pangingilid ng mga luha ko.

  "Oo, dito nga siya pumupunta, hindi lang sa tuwing uuwi siya, kundi dito rin namin sabay na ginagawa ang iba naming officeworks na dalawa, dito rin kami minsan kumakain ng sabay, kapag wala kaming ginagawa dito siya sa KWARTO KO madalas tumitigil. Ano? Masaya ka na? Kaya kung wala ka ng ibang sasabihin pa Migz, makaka-alis ka na."

 

 Nanlisik ang mga mata niya dahil sa walang pakundangang pinagsasabi ko. Kusang kumuyom ang mga kamao niya na noo'y hindi mapigilan sa pangangatal dala ng sobrang pagka-poot. Akma ko na sana siyang pagsasarhan ng pinto nang sa hindi ko malaman na dahilan ay sapilitan niya iyong itinulak at dahil mas malakas siya sa akin kaya mabilis na nakapasok siya sa loob. Pabagsak na isinarado niya ang pintuan.

 "Migz!"

   Hindi na niya akong hinayaang makapagsalita pa dahil mabilis niyang hinigit ang braso ko at marahas na idinikit ako sa pader. Walang pagdadalawang-isip na sinakop niya ang mga labi ko habang sinadya niya akong ikulong sa mga bisig niya upang hindi ako makagalaw. Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo niya lamang pinupusukan ang bawat halik. Marahas niyang inilipat ang mga labi niya pababa sa aking leeg. Maya-maya pa'y kumawala sa bibig ko ang paghagulhol. Bigla akong nakaramdam ng panliliit sa sarili ko.

   Noon lang siya bumalik sa dati niyang katinuan, lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para maitulak siya.Kasabay n'on ang pagtama ng palad ko sa pisngi niya.Dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko kaya napaharap ang mukha niya sa kabilang direksyon. Hindi siya nakagalaw.

  "Ano bang ginagawa mo Migz! Ang sama mo!Napakasama mo!" muhing-muhi na sigaw ko sa kanya.

  "Wag mo akong itulad sa mga babaeng nakakasalamuha mo sa bar dahil hindi ako katulad nila!" pagpapatuloy ko. Bahagya siyang napatingala at walang boses na napatawa sa hangin.Iniikot niya ang paningin  paharap sa mga mata ko kasabay ng pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi.

Please RememberWhere stories live. Discover now