PROLOGUE

4K 121 10
                                    

   

Ellaine's POV

       

   Narito ako sa loob ng sasakyan. Nakaupo sa drivers's seat habang mahigpit na hawak ng dalawang kamay ko ang manibela. Halos hindi ko na makita ang nangyayari sa paligid dahil sa panlalabo ng paningin ko. Ang mga luhang 'yon na humaharang saking mga mata habang pinapanood ko ang isang senaryo sa harapan. Senaryo, na halos ikamatay ng puso ko, na halos ikapanlambot ng kabuuan ko kasama na ang isip ko.

   Pinanood ko kung pano sumilay ang mga masasayang ngiti sa mga labi ng dalawang 'yon habang yakap-yakap nila ang isa't-isa sa gitna ng daan, na para bang wala silang pakialam sa mundo, na para bang kay tagal nilang hindi nagkita. Napalunok ako ng malalim habang inaalala ang mga nagawa kong mga kasalanan at pagkakamali sa kanilang dalawa, ang dalawang 'yon na lubos na nagtiwala at nagmahal sakin bilang kapamilya sa loob ng mahabang panahon. Ang dalawang 'yon, na dahil sa pagiging makasarili ko kung kaya't halos masira ko ang kanilang  pagsasama, minsan akong naging hadlang sa pagmamahalan nila, minsan akong naging kontrabida sa buhay ng iba na siya ngayong pinagsisisihan ko ng sobra.

 

  Allison...... Tristan....

 

 Sunud-sunod ang naging pagbaba't-pagtaas  ng balikat ko dahil sa pagbuhos ng samu't-saring emosyon, lalo pa nang matuon ang direksyon ko sa lalaking 'yon- ang unang lalaking minahal ko, ang first love ko.

  "Tristan...."

 Thank you and  I'm sorry for everything....

   Nagparaya ako, pinakawalan ko siya dahil mahal ko siya. Iyon na lang ang tanging bagay na maibibigay ko sa kanya sa lahat ng pagsasakripisyo na ginawa niya para sakin bilang isang tunay na kaibigan. Masyado ko siyang pinahirapan ng sobra dahil lumaban ako at nabulag sa pag-ibig na akala kong tama.

 Now, they already have a happy ending, and I already accept the fact that were  really not meant to be.

 Kahit masakit, pipilitin kong maging masaya para sa kanilang dalawa. Ang tanging bagay na hinihiling ko na lang ay maging masaya sila at tumanda ng magkasama.

   Mabilis na pinunasan ko ang mga nagkalat na luha saking pisngi saka mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan. Habang papalayo sa lugar na iyon ay unti-unti kong pinasilay ang isang ngiti saking mga labi, a smile of acceptance.

   Hindi ko alam kung hanggang kailan pa 'ko tatagal, pero ang alam ko limitado na ang buhay ko. Ayokong sumuko pero nawawalan na 'ko ng pag-asang mabuhay. No one loves me and no one cares about me anymore. All of them disregarded a person like me because of a lot of sins and mistakes that I have done. Wala ng mga nagmamahal sakin, lahat sila tinalikuran na ang isang tulad ko, lahat sila kinamuhian na ako. Pakiramdam ko nag-iisa na lang ako sa mundo. Nakakalungkot pero, hindi ko na alam kung pano pa mabuhay, hindi ko alam kung ano pang mga naghihintay na buhay sakin bukas, sa susunod na araw at sa magiging buhay ko ng nag-iisa.

 

 

  This is Ellaine Villanueva, and this is the story of my last 365 days..............

(A/N):

Hello guys!

   Long time no updates, hohoho ^o^. Sareh, ok? Sareh. Ganito po kasi 'yun, I explain. Na-regular na po kasi ako sa work ko, opo isa na po akong regular employee sa edad kong 18. But because malakas ang company namin ngayon kaya sobrang hectic ng schedule, 6-6 po ang pasok ko, 6 am to 6 pm po. Daming gawain, pudpod na nga mga daliri ko kaka-encode sa unlimited papers namin dun -_- , gustuhin ko mang mag-update ang kaso wala na po talagang time. Uuwi na lang ako para kumain at matulog, pagod eh. PERO may restday naman po ako every week,  so makakapag-update po ako ng story once a week. Madami po akong naka-line up na mga story pero uunahin ko po munang tapusin ang 'Her Last 365 Days' then ang season 2 ng 'A Wife's One-Sided Love, pero gusto ko rin po munang i-second prio ang story ni Yohan, then last na yung story nina Janus,Ailee,Jhay at Cassie. Hindi ko alam kung kailan ko matatapos ang mga 'to. Huhuhu, nagsisiksikan na ang mga idea at magiging plot sa utak ko, gusto ko ng ilabas, :D

   'Yun lang, inaantok na ko eh. Basta guys, keep on supporting lang. Hindi ako aalis sa wattpad. Magsusulat ako as long as I can. Thank you so much. Miss u!

 Ooop. Please like the official fan page of 'Her Last 365 Days'. Just click the external link. Thank yow,yow. :D

-MissSONE

   

Please RememberWhere stories live. Discover now