36

198 8 4
                                    

Yohan's POV

Nag log out muna ako at dali daling pumunta sa kwarto ni Andrea.

Kaso nakalock toh kaya kinatok ko siya ng malakas.

Peste blinock ako ni Brianna!

"andrea!" tawag ko kay andrea di ako pinagbubuksan eh.

"andrea buksan mo toh oh papakialamanan ko bookshelf mo dito!"

"eto na puta!"

Sa totoo lang takot ako kay Andrea, slight lang. Sakit mambatok niyan eh.

Pero sa taranta di ko na naisip na baka batukan niya ako.

"ano ba yon ha punyeta, natutulog ako eh!" sigaw niya sakin.

Magulo buhok, halatang natutulog nga.

"lagi ka nalang tulog" bulong ko.

Pero tila ba malakas pandinig niya at narinig nya ako. Mabilis niya akong binatukan.

"aray"

"ano ba kasi yon ha, at dinadamay mo mga libro ko"

"eh kasi ano"

"ano?!"

"blinock ako ni brianna!"

Natigilan siya at gulat na napatingin sakin.

"so anong gusto mong gawin ko kausapin siya at sabihing iunblock ka"

Napangiti naman ako at dali daling tumango.

"eh baliw ka pala eh!" sabi niya sabay batok.

Tangina mabobobo ako sa ginagawa neto eh. Sa lakas non ramdam kong umalog utak ko.

"aray, andrea please na kasi please" pagmamakaawa ko.

Inirapan niya ako.

"sa isang kondisyon"

"ano?" desperado kong sabi.

"libre moko, kaaahit ano" sabi niya sabay ngiti.

"oo sige libre kita"

"oh edi kakausapin ko si brianna, bye na natutulog ako eh! Isa pang istorbo mo sakin masasapok kita" sabi niya sabay sarado ng pinto.

Hays Brianna.

❝Milktea | Kim Yohan❞Where stories live. Discover now