Chapter Twenty Two: "Ghost Hunting"

3.5K 103 4
                                    

Chapter  TwentyTwo-"What? You choose, 'be my girl or be with the ghost."










"AFTER this, I promised Villaflor. Ililibing talaga kita ng buhay." Naiinis na may kalakip na takot ang boses ni Danielle habang may hawak ng flashlight.

Hindi ko alam kung anong kagagahan ang iniisip ko at sumali sa pesteng ghost hunting. Kaya eto ako ngayon at nagpipilit na maging matapang habang may hawak ding flashlight.

"Oh my God. Bumalik na kaya tayo. Someone told me, may babaeng umiiyak rito." Kasalukuyang nasa Science Building kami. Nangilabot naman ako sa sinabi ng babae.

"Wooh! Come on, don't be too KJ. Nag eenjoy pa ako." Si Kaezar naman. Nakakapit rito si Brielle. I smirked nang makitang mukhang takot na takot ang babae.

Siguro mga sampu or fifteen kami since hindi sumama ang iba dahil takot. Sa grupo ng Chix Hunters, sina Kaezar at Alvis lang ang sumama.

Nauna na akong maglakad pero natulos ako sa kinatatayuan ko nang matigilan kaming lahat sa boses ng umiiyak na babae. Shet!

"Aaahhh! Aaah!" Nagtakbuhan na ang lahat. Siyempre tumakbo na rin ako. Mabilis akong pumasok sa isang room.

"Buwisit na ghost hunting! Buwisit na Halloween Party!" I'm shaking. The H!

"Aaah!" Gulat na napasigaw ako ng direktang natumbok ng flash light ko yung bone skeleton pero mas higit na nanlamig ako dahil sa mainit na kamay na tumakip sa bibig ko.

"Hmmf!" Nagwala ako. That familiar smell again.

"Don't shout. Magigising mo ang kaluluwa na kasama natin." Pinakawalan niya ako.

"L-Lance?" My eyes widened. Hindi ko inaasahang nandito siya.

Lub! Dub! Lub! Dub!

Napahawak ako sa puso ko. Buwisit! Yung epekto na naman niya sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito? Sumama ka sa ghost hunting?"

Hindi niya ako sinagot. Tumayo lang siya. Hinila ko siya paupo. Shet! Baka makita kami ng mumu.

"Huwag mo kong iwan." Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil sa dilim. Nakakahiya naman idirekta ko sa kanya yung light ng flashlight ko.

"Tss! Ang lakas ng loob mong sumama, takot ka naman pala." Supladong saad niya.

"Nagsisisi na nga ako!"

Natahimik kami. Walang sinuman sa amin ang gumalaw. Hindi ko nakaya ang katahimikan kaya nagsalita ako.

"W-wala na kayo ni S-Snow?" Gusto kong sampalin ang sarili ko sa tanong na 'yon.

"Ano naman sayo!" Suplado pa rin ang boses niya.

"B-bakit?" Argh! Kinuyom ko ang mga daliri ko.

"I am Lance Zedrick F. Chan. Notorious playboy kaya hindi ko kailangan ng rason para makipaghiwalay."

Napanguso ako. Oo nga naman.

"Gusto mo pa rin ba ako?" Hindi ko alam kung saang lupalok ng mundo ko nakuha ang lakas ng loob na itanong 'yon sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hell! Pakiramdam ko hindi ako makakahinga kapag di niya ako sinagot. "Lance! Suma---"

"Wala namang mababago kung sasagutin ko ang tanong mo. Oo o hindi. Pareho lang ang resulta, ayaw mo sa akin at hindi---

"Crush kita!" Pagputol ko sa anumang sasabihin niya.

WTF! 'Yong totoo, Kiara?!

He stopped. Tumayo ako. Shet! Nakakahiya. Hindi ko naman 'to naramdaman nang nagconfess ako kay Keiron ah?!

Unluckily Inlove With A BadboyWhere stories live. Discover now