chapter three

21 2 0
                                    

Aye's POV

Nang makaligo ako mabilis akong nag-ayos ng sarili ko. Itinali ko ang maikli kong buhok at naglagay ng konting cream sa mukha ko at naglagay ng konting pampapula sa mga labi ko. Ibinigay saakin ito ni ben simula ng magpahaba na ako ng buhok. Ganun na sila katagal saakin. Dahil ginagamit ko lang naman ang mga ito pag nasa trabaho lang. Para daw magmukha naman akong may kulay sabi ni ben at nagmumukha daw akong may sakit dahil sa parang maputla akong tignan. Mas bakla pa talaga ang ugali saakin ni ben. Napapailing nalang ako habang naiisip ko ang mga nasabing yun ni ben saakin. Ewan ko hindi ako sanay sa mga ganung bagay. Palibhasa ay laking probinsiya ako. Ang maipagmamalaki ko lang talaga ay ang kaputian na taglay ko na minana ko saaking ina. Nang masigurado kong maayos na ako mabilis ko nang nilisan ang locker room namin at dali dali akong naglakad papunta sa office dahil sampung minuto na akong late at baka maabsent pa ako.

Nang makapagpaalam ay pinayagan naman ako. Dahil ang sabi ko ay masama ang pakiramdam ko at hindi ko kakayanin kako ang makipagsabayan sa ER.
At dahil alas onse na ng umaga. Nag simula ako na akong mag round sa mga pasyenteng hindi naman ganun kalala ang dinaramdam kaya kahit nurse lang ang mag round ay ayos lang. Binigay saakin ang record.nandon lahat ng mga pangalan ng pasyenteng iararound ko at nakalagay din dun kung ano ang ichecheck ko sakanila. Habang tinitignan ko ang mga pangalan ng pasyente ay natigil sa pangalang nabasa ko . "ROMMY CORDOVA" tinignan ko rin kung ano ang gagawin ko sakanya at ganun nalamang ang panlalaki ng mga mata ko, papalitan ang hospital dress nito at hihilamusan. Ang bantay o ang kasamang kamag anak nito ang dapat gagawa non. Pero dahil wala siyang bantay ako gagawa non? Hindi naman pwedeng hintayin ko pa si nanang delya dahil gabi pa ang dating non. At baka kapag naground ang doctor nito mamayang hapon at hindi pa nakikitang napalitan ang hospital dress nito ay ako mapapagilatan. Dahil base sa hospital kung hindi kaya ng bantay gawin ang mga bagay na yun kaming mga nurse naka toka ang gagawa non sa mga pasyente. Parang tila nakaramdam ako ng panunuyo sa lalamunan ko ng maisip ko ang lalaki. At naramdaman kong pinagpawisan ang noo ko. Iwinaglit ko muna yun sa isipan ko. Bahala na mamaya. Trabaho ko naman yun at kailangan kong gawin. Sa ngayon uunahin ko na muna ang ibang pasyente. Uunahin ko na muna ang mga bata.

nang malibot ko na ang lahat ng silid ng mga naka tokang ira-round ko heto na't naglalakad na ako na patungo sa silid ng nangangalang "ROMMY CORDOVA" tila bang parang natutuliro ako, hindi ko mawari kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko, samantalang napakarami ko ng mga pasyenteng binihisan na kaya kung tutuusin ay hindi na bago saakin to. pero bakit tila ganito ang nararamdaman ko? habang naglalakad ay napatingin ako sa orasan ko na nakalagay sa kamay ko, malapit na ang break time ko. at kailangan ko munang tapusin ito para maipasa ko na sa opisina ang nasabing record ng mga pasyenteng tapos ko ng na-i round. at pagkatapos ng break ko ay sasamahan ko sa pag- ra round si doc.valencia para maipaliwanag sakanya ang mga nagawa ko . habang papalapit ako ng papalapit sa silid ng nangangalang "ROMMY CORDOVA" ay siya ring lakas ng pagkaaba ng dibdib ko. pilit kong binabagalan ang mga hakbang ko ngunit hindi ko napapansin iyon at ang nakikita lang ng mga mata ko ay ang palapit na palapit na ako sa silid ng kinaroroonan ng lalaki.

nang makarating na sa harapan ng pintuan ng silid ng lalaki ay isang bagsak ng malalim na paghinga muna ang aking binitawan. bago tuluyang pumasok. nang makapasok na, isang katahimikan na silid ang sumalubong saakin at malamig na hangin na dumampi sa balat ng aking katawan. wala kang ibang maririnig kundi ang makina nang hospital na ito na nakarugtong sakanyang ilong, suporta para sakanyang maayos na paghinga. kahit malamig ang silid na iyon ay tila pinagpapawisan pa rin ako.

"okay aye, trabaho mo to. kaya mo yan. sanay kana" sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng pumasok at lumapit sa lalaking hanggang ngayon ay natutulog pa rin. pangalawang araw na nito sa hospital. hanggang ngayon ay tulog pa rin, ang sabi ni doc.valencia kelangan magising ito sa loob ng tatlong araw . nawa'y magising na ito.

Love is Blind (StraightXtrans)Where stories live. Discover now