chapter two

34 1 0
                                    

AYE'S POV

Pinamamasdan ko ang batang tulog na nasa harapan ko ngayon. Napakaamo ng mukha nito. Kung titignan mo ay parang isang anghel. Ang mga mata nito na tila ba ay parang palaging nangungusap. Hindi mo mahihindian kapag ito ay humiling sayo. Mga pilik mata na makakapal at mahahaba. Matangos na ilong at mapulang labi. Natatawa nalang ako sa sarili ko bakit tila ba parang napakagaan ng loob ko sa batang ito, nakakatuwang isipin din na gusto ako ng batang ito. Bilang isang nurse. Alam kong sa sarili ko na mapagmahal ako. Gusto ko okay ang lahat ng taong nasa paligid ko. Kung kaya naman kahit wala ako sa hospital ay ginagawa ko ang pagiging nurse ko kahit saang lugar sa tuwing may mangangaylangan ng tulong ko. Mas lalong mapagmahal ako sa mga bata. Simula ng mawala ang kapatid kong bunso ganun nalamang ang pag-iingat ko sa mga batang may sakit. Ngunit ibang-iba ang pakiramdam ko sa batang si kurt. Na para bang gusto kong alagaan ito hanggang sa huling buhay ko. Tama nga si ben. Parang nagiging nanay ako pagdating sa batang ito. Hindi ko rin alam bakit. Basta sa tuwing nakikita kong malungkot ito ay tila ba parang dinudurog ang puso ko. Nagsimula ang pagmamahal ko sa mga bata dalawang taon na ang nakakalipas.

"Aye, baby menopause ang kapatid mo. At masiyadong delikado ang panganganak ng nanay mo. Kaylangan nyong mamili sa dalawa. " Sabi ni doc.valencia pag-labas nito ng operating room. Hindi pa nailalabas ang kapatid ko. Sapagkat hindi kaya ng nanay ko ang manganak ng normal. Masiyado akong stress sa mga nangyayari. Mahal ko ang nanay ko. Pero yung kapatid ko na isisilang ng nanay ko ang matagal na naming inaasam ng tatay at ng kapatid kong pangalawa. Naglakad lakad ako. Hanggang sa makarating ako sa simbahan ng hospital nagdasal ako ng nagdasal at umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Ngunit lalabas ako ng simbahan na ito na buo na ang desisyon ko. At sisiguraduhin ko na walang makakaalam sa desisyon kong ito. Kumilos ako ng mabilis, at hinanap si doc. Valencia. Kailangan kong gawin ito bago dumating ang itay at kapatid ko. Nang makita ko si doc.valencia ay sinabi ko sakanya agad ang desisyon ko.
"D-doc. Iligtas mo ang nanay ko" matapang na sabi ko kay doc valencia.
"P-pero wala pa ang father mo nurse balbuena, kailangan mo siya sa desisyon ito" sabi ni doc valencia na makikita mo sa mukha nito na naguguluhan.
"Doc. Ibigay mo na saakin ito. Mahal na mahal ko ang nanay ko at alam kong ganun din ang itay. Kaya kung maari doc. Gawin nyo na ang sinasabi ko." Sabi ko kay doc na basag na basag na ang tonong pananalita ko. At tuluyan na rin akong umiyak. Taimtim lang akong tinignan ni doc.valencia. tumango tango ito at hinawakan ang aking balikat. Na para bang pinaparamdam nito saakin na naiintidihan niya ako. Umalis na si doc valencia para puntahan ang aking ina at gawin ang sinabi ko. Pagkaalis ni doc. Dun ko naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko. Naupo ako sa isang sulok at ibinuhos ang aking mga luha. Kailangan kong ubusin to bago dumating ang itay at ang kapatid ko.

Naputol ang pagmuni-muni ko ng marinig ko na bumukas ang pintuan ng silid. At iniluwa nito si nanay delia na may dalang dalawang malaking bag. Agad akong tumayo para tulangan siya.
"Salamat nars. Aye, bakit gising kapa? May isang kama naman doon bakit hindi kapa nahiga?" Sabi ng matanda habang nilalapag sa center table ang mga dala nito.
"Pinatulog ko pa po kasi, kurt. At hindi rin po ako makatulog, kaya hinintay ko nalamang din po kayo" sabi ko at ngumiti.
"Alam mo ba yang bata na yan. Simula ng umalis ka ay tahimik at tulala lang. Hindi namin makausap. Ikaw lang kinakausap ng bata na yan. Nagiiba ang mood pag nakikita kana" sabi ni nanang delya habang nilalabas nito ang mga laman ng bag na dala nito.
"Hayaan na muna natin siya nanang. Mukhang, masiyadong masakit sa bata ang mga nasaksihan niya. Base sa mga narinig kong pag-uusap nyo nanang" sabi ko dito at kinuha ang upuan at tumabi sakanya para tulungan na din siya kanyang ginagawa.
"Nako nars.aye ako nalang dito magpahinga kana at may duty kapa bukas" sabi ni nanang at mabilis na kinuha ang mga bagay na hawak ko na.
"Nako nanang. Kahit aye nalang po ang itawag nyo saakin. Masiyado naman pong pormal yung may nars pa" sabi ko dito na ngumiti ng matamis at nginitian rin ako nito.
"Osha sige aye. Magpahinga kana. Ako ng bahala dito. Aayusin ko lang ang mga ito, at magpapahinga na rin ako. Ihahatid ko pa bukas itong si kurt" hindi na ako nagpumilit pa na tulungan si nanang, bago tumayo at tinignan ko muna ang orasan ko na nasa kamay ko. 10pm na pala ng gabi. Medyo inaantok na rin ako kaya naman nagpaalam na ako kay nanang na matutulog na ako. May dalawang extra na kama ang silid ni kurt. Kaya wala kaming problema ni nanang sa tutulugan namin.

Love is Blind (StraightXtrans)Where stories live. Discover now