CHAPTER 9

29 0 0
                                    


"Safarra!"napapitlag pa si Red ng pumasok siyang muli sa silid nito.

"Your right, mahina nga ako."inilapag niya ang tray na dala niya sa side table nito. Pero hindi pagkain ang laman niyon.

"Ano yan?"gulat at takang tanong nito sa kanya.

"Ano sa palagay mo Red?"she smirk.

"Safarra, kung anuman ang laman ng botilya na yan, don't tell me nasa akin mo gagamitin iyan?"tanong nito pero sa kabila ng kaba, humawak pa rin si Red sa munting pag-asa na hindi talaga siya nito magagawang patayin.

"Sa iyo nga."sagot nito at dinampot na ang botelyang may laman dala ang panturok na nilagyan na niya iyon ng laman na galing sa botilya.

Mukhang tubig lamang ito sa paningin nilang dalawa.

"Safarra, ano yan? Lalasunin mo na lang ba ako sa pamamagitan niyan?"asik nito sa kanya pero matiim lang niya itong tinitigan bilang sagot niya sa tanong nito.

"I though you believe in me that I will not kill you, so why are you so scared?"

"Safarra.."

"Don't worry, dahan-dahan lang naman ang pagtusok ko nito sa iyo. Maglalakbay ito sa ugat at hahalo sa dugo mo. Hindi ka makakaramdam ng sakit, Red."nakangiting wika niya dito habang marahang inilalapit niya ang dulo ng karayom sa braso nito.

"Safarra, don't do that!!"may kalakip na panic ang tono nito.

"Shhh, relax Red, everthing will be fine, just relax."nakangiting inilalapit niya ang mukha niya dito.

"Safarra.. huwag."pero sa kabila ng nakaambang panganib, hindi maiwasan ni Red ang damdamin niya na mahalina rito. Sa simpleng paglapit lamang nito sa kanya, at ang malanghap ang mabangong-hininga nito na tumatama sa mukha niya ay para na siyang nalalasing ng dalaga."Safarra, huwag mong dungisan ang kamay mo. Alam ko mabuti kang tao. Kung anuman ang kasalanan—"

"Shhh!"iniharang niya ang isang daliri sa mga labi nito."You have to trust me, if you believe that I'm not going to do something bad to you, Red."

"Shit! Safarra!"mariing wika niya dito ng maramdaman niya ang pagtusok ng karayom sa braso niya.

"Don't worry it will slowly effect you, Red."masuyong nginitian niya ito habang unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa binata."It will ease your feeling."

Saka hinayaang ga-daliri na lamang ang pagitan ng mukha nila.

"Safarra.. please.. help me. Don't do this.. "sa kabila ng unti-unting panlalabo ng paningin, ayaw pa rin niyang bumitaw.

"Red, you have to trust me. At sana, tuparin mo rin yung pangako mo,"anas niya rito.

"Safarra.. "he's confused to what she was saying but before he lose his tact. He felt it, she was kissing him passionately.

Safarra.. bulong ng kanyang puso sa dalaga, bahagya pa niyang nararamdaman ang init ng labi nito bago siya tuluyang nilamon ng kadiliman.

Itutuloy...

A/N: Tinuluyan na nga ba niya si Red? Eh, bakit niya hinalikan ito?? Ang labo mo naman Safarra..chossang!!

The VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon