CHAPTER 4

31 0 0
                                    


Shit! Shit! Shit! Ano bang nangyayari? Bakit?

Habang patuloy na nagtatanong ang isip ni Red, nararamdaman na naman niya ang pagkalam ng sikmura.

Tanghali na, at wala pang laman ang tiyan niya, at nagugutom na rin siya. Isa pa, nararamdaman niyang kailangan niyang magbanyo.

Pero pangako niya sa sarili na hindi tatawagin si Safarra para magpasubo ng pagkain dito.

Pero anong gagawin ko? Kapag hindi ko siya tinawag, mukhang wala na siyang balak na balikan pa ako dito.

Naiinis man ay pinigil pa rin niya ang sarili.

Pero habang lumilipas pa ang mga oras, lalo siyang nababalisa.

"Damn it!"sa huli, mariin niyang pinindot ang button na sinasabi ni Safarra.

"Yes?"nakangiting bungad nito ng bumukas ang pintong bakal.

"Nagugutom ako!"asik ng binata kay Safarra na humakbang na papasok dala ang tray. Lihim na natigilan si Red dahil nakita na naman niya ang magandang mukha nito.he was mesmarized by her beauty.

"Susubuan na kita?"tanong nito at nilapag na ang tray sabay naupo na ulit sa tabi ng kama.

"Pwede. Pero bago ako kumain, gusto ko munang magbanyo. Anong magagawa mong tulong para mapagbigyan ako? Kakalagan mo na ba ang tali ko?"

Ngumisi ang dalaga.

"Do you think that I am that stupid? You're a huge man, kapag nakawala ka riyan, kayang-kaya mo akong sakalin, hindi ba?"

"Of course not! Hindi ka naman mukhang stupid, eh. Kaya nga sasabihin mo saken, kung papaano ako makakapagbanyo kung hindi mo ako kakalagan dito, dahil natatakot ka sa pwede kung gawin sayo, ha?"

"Hmm.. siguro, kailangan kong gumamit ng malakas na klase ng baril para may seguridad ako na hindi mo ako masasaktan."

"Anong-"

"Just wait a minute, okey?"

Agad na umalis si Safarra, nang bumalik ito ay may dala na itong baril. Lumapit ito at maingat na kinalagan siya. Lumayo agad ito ng lumuwag na ng kaunti ang pagkakatali at mahigpit nito hinawakan ang baril sa mga kamay nito habang tinututok sa kaniya.

"Kalagan mo na ang sarili mo, then, go to that door at magbanyo kana."turo nito sa kanang pintuan na malapit sa kaniya."But don't dare to do something stupid. Walang bintana ang banyo na iyan, kaya hindi ka makakatakas. Diyan ka lang sa pintong iyan lalabas, kaya hihintayin kita. Kapag nagtagal ka sa loob, papuputukan ko ang pinto at siguradong sapul ka."

Mariing banta nito sa kanya.

Pabuntong-hiningang tinanggal na ng tuluyan ni Red ang tali na kanina pa sumasakal sa palapulsuhan niya.

"Don't worry magbabanyo lang talaga ako. Remember, nagugutom ako, kakain pa ako, ano?"nakangisi nang nakababa ng kama si Red matapos kalagan ang tali.

"Fifteen minutes, okey? Mabilisan kang maligo, may damit kana sa loob ng banyo. May tuwalya rin."

"Sure!"nakangisi pa rin sagot niya dito at marahan lang na humakbang patungong banyo si Red, pero malikot ang kanyang isip.

Kung bigla akong haharap sa kanya at tatakbuhin siya mula sa kabilang panig ng kama, masyadong malayo. Mukhang sanay siyang humawak ng baril at matatag ang pulso, mukhang matibay din ang dibdib. Baka hindi ko masindak.

Naisip niya.

Delikado. Alin lang sa dalawa ang pwedeng mangyari, maputukan niya ako bago ko pa siya mahawakan at maagaw ang baril, o siya ang masugatan at masaktan kapag nahawakan ko.

Napailing siya sa huling naisip, nagawa pa niyang mag-alala sa dalaga, samantalang buhay niya ang hawak nito.

Hanggang sa nakapasok na siya ng banyo ay hindi pa rin siya nakapagpasya kung ano ang dapat niyang gawin.

Pero tama ang naisip ko, kailangan ko munang kumain. Kailangan ko ng lakas. At kailanga ko ngang magbanyo.

Kaya ang unang plano ang kanyang ginawa, mabilis siyang nagshower. Tinuyo ng malaking tuwalyang naroon ang basang katawan at mabilisang nagbihis.

Pagkuwa'y akmang lalabas na ng pinto para lumabas na sana.

"You're late! Bilisan mo, o papuputukan na kita riyan sa loob!"galit ang tinig mula sa labas, sabay kalampag ng pinto.

"Relax babe, nariyan na."binuksan na nga niya ang pinto. Mabilis namang lumayo si Safarra. Nakangising lumabas na siya ng banyo.

"Bilisan mo! Maupo kana sa kama! And don't call me babe!"nanlilisik ang mga matang sigaw nito.

"Alright! Princess, ikaw naman masyado kang high blood,"natatawang wika ni Red,"hindi naman ganoon kadaling magshower at magbanyo, ano?"

"Shut up! Ilang beses ko ba sinabi ang pangalan ko! So don't call me another name nor endearmet!"naaalibadbarang wika nito. Lalong napangisi si Red, ang cute pala nitong mainis, namumula ang pisngi na anumang sandali ay sasabog na ito sa sobrang inis. Kaya tumigil na siya sa pagtawag dito ng kung anu-ano baka mapadali pa ang buhay niya.

"Hey, just relax. Kakain na ako, okey?"agad na siyang naupo sa gilid ng kama at hinarap ang pagkain sa mesa.

"Okey. Bilisan mo at kailangang iposas mo ang sarili mo pagkatapos mung kunain."

Natigilan si Red.

"Kailangan ba talaga iyon? Pwede naman ako rito sa silid, ah. May baril ka naman. De kung papasok ka, saka ko ipoposas ang sarili—"

"Shut up!"

"Ok! Ok!"natatawa pa ring nagsimula na siyang kumain.

Habang nakamasid lang si Safarra kay Red.

"Hey, you know what. Staring are rude, lalo na sa kumakain."aniya dito habang sumusubo ng kanin na may ulam. Taste good huh! Siya kaya ang nagluto? Favorite ko din itong adobo.

"I said shut up! Just eat!"sagot nito saka nag-iwas naman ng tingin pero nakikiramdam. Napangiti na lamang siya dito.

Itutuloy...

Ms.Leniebear: Next chapter kay Safarra naman so baka malaman nyo na kung bakit ganoon na lang ang galit niya kay Red Montemor. Just read...

The VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon