Sketch - 7

34.7K 453 6
                                    


Nagising ako, nakahiga na ako sa kama ng ospital. Nasa tabi ko si Xylan. Binantayan nya ako buong gabi? Imposible! 


"Ok ka na? Pasensya na at hindi ako dumating kaagad." Xylan? Ikaw ba ito? May lagnat ka ata eh! At bakit para bang ang amo-amo ng mukha nya? 


Napabangon ako. Umupo muna ako at sinigawan ko si Xylan. 


"Tigilan mo nga ako! If I know, tuwang tuwa ka dahil nabugbog ako nung mga bading na admirers mo!" 


Sumimangot si Xylan. Paawa na may halong inosente effect ang mukha nya. 


"Alam mo naman na wala akong kinalaman dun diba?" 


"Pwede ba, wag ka magbait-baitan. Hindi bagay sayo!" 


Tumayo sya sa kinauupuan nya. At bigla nya akong niyakap... 


"Xylan!" 


"Maniwala ka. Wala akong nalalaman dun. Kung alam mo lang kung gaano ako nagalala sayo nung nalaman kong binugbog ka nila." 


Humarap sya sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kinakabahan ako. Anong gagawin nya? 


"Denise..." 


"DENISEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 


Pagmulat ko ng mata ko, 


Si Papa yun ah? 


Panaginip lang ang lahat? 


Nakita ko si Papa na nasa pintuan ng kwarto at inaawat ng tatlong kong Kuya. Galit na galit sya at hawak nanaman nya ang kanyang latigo. 


"Ang batang yan! Hindi mapagsabihan! Sinabi ng wag makikipagaway eh! Tignan mo ang napala ngayon!" 


*PAK!*


Aba, pinalo ni mama ng dyaryo si Papa sa ulo. Kumalma sya kahit papano. 


"Kung napaaway ang anak natin, edi sana ang nakaratay ngayon sa kama yung mga nakaaway nya at hindi sya." 


"Oo nga naman papa! At sabi nung nagdala kay Denise dito eh, pinagtulungan daw si Denise kaya sya nagkaganyan! Hindi sya lumaban!" Sabi naman ni Kuya Dexter. 


"Kita mo na, edi kung lumaban sana si Denise eh di sana ngayon hindi sya nagkaganito! Kasalanan mo ito eh! Napakabait nya dahil hindi sya lumaban dahil sinabi mo na wag na syang makipagaway!" 


Haha. Nabulyawan tuloy ni mama si papa. Natahimik na lang sya. 


Sketch 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon