Sketch - 2

49.4K 627 44
                                    


(a/n: Xylan's picture below.)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pumasok si Mr. De Guzman sa classroom at nagulat sya ng makita akong may balde sa ulo. 


"Pasensya na iha, ganito talaga sa section 3AD. Maloko ang mga estudyante. Ako na ang humihingi ng tawad para sa mga ginawa nila. Nakakalungkot na ikaw lang ang nagiisang babae dito." 


"Ano? Siya lang ang babae dito? Malas naman! Bumisita ako sa ibang classroom, medyo mas marami ang babae!" 


"Ang gaganda pa kamo! Mga hotchicks! Malas naman at sya pa ang napunta satin!" 


Hindi na ako makapagtimpi pa. Tinanggal ko ang balde sa ulo ko at pinagpag ang arina sa uniform ko. 


"Wala po kayong dapat ipagpatawad. Sila ang dapat humingi ng tawad sa ginawa nila sa akin." 


"Kami? Hihingi ng tawad sayo! Nahihibang ka na ata!" 


"Oo at hindi. Oo, hihingi kayo ng tawad sakin. Nahihibang? Hindi pa naman." 


"Eto ang gusto nyo ha? Etong sa inyo!" 


Binato ko yung balde at nasapul sa mukha si Xylan. Muntik na syang Bumagsak sya sa upuan nya. Hindi naman talaga para sa kanya yung balde eh! Yung spike ang buhok ang talagang gusto kong patamaan. 


Nakatulala lang si Mr. De Guzman at yung mga classmates sa ginawa ko. Hindi nya siguro akalain na gagawin ko yun. 


Umakyat ako sa platform at inikot ko ulit ang cap ko. 


"Hoy kayong 3AD. Piliin nyo kakalabanin nyo. Ako si Denise Buendia! Hindi ako basta-basta! Hindi ako magpapatalo sa mga tulad nyo lang!" 


"Buendia?" 


"Pare Buendia daw oh! Di kaya?" 


"Excuse me, are you of any relation of Denver,Dexter and Dave Buendia?" 


Tanong sakin ni Mr. De Guzman. 


"Opo. As a matter of fact, mga kuya ko po sila. Ako ang bunso nilang kapatid." 

Sketch 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon