Chapter 45 Part 2.

852 13 0
                                    

CHAPTER 45 PART 2.

Lorenz POV.

Sa sitwasyong walang kasiguradohan, binaba ko ang pride ko sa ikaaayos namin ni Ashley. Ako yung nakagawa nang mali ako din ang gagawa ng paraan upang maitama ang lahat ng iyon.

'' Ash, alam kong malaki ang kasalan na nagawa ko, gusto kung huminge ng tawad sa laha-

'' No need renz, ayos na ako'' Putol nito sa sinabi ko.

'' Pero kailangan ash, para sa ikaaayos ng lahat. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo. '' sabay luhod sa harap nito '' Alam kung marami nang nagbago pero ash, gusto kung subukan ulit gusto kung magsimula ulit. Mag sumula tayo muli ash, ibalik natin yung dating tayo. Subukan natin ulit para sa anak natin '' Panunuyo ko sa kanya.

'' Alam kung darating ang araw na malalaman mo ang tungkol sa sitwasyon ko, Natatakot ako baka kunin mo ang anak ko at ilayo sa akin. Ngunit iba ang nangyari, hito kat nasaharap ko nakikiusap na subukan natin ulit. Alam mo bang minsan kong pinangarap na dumating ang pagkakatong ito. Kasi ikaw lang yung gusto kung makasama at maging tatay ng mga anak ko. Kaya kung inaalok mo ako ngayong magpakasal papayag ako Lorenz dahil yun lang naman ang inaasam ko mula pa noon ang makasal sayo '' sabi nito habang umiiyak.

Napakasaya ko ngayon dahil tinanggap parin ako ni ash sa kabila ng lahat. Alam kung mahal ko parin si Ash sa kabila ng nangyari noon.

Gusto ko maging mabuting asawa at ama sa pamilyang bubuoin ko. Maybe panahon na upang iwan ko na ang trabahong nakasanayan ko at maghanap ng trabahong marangal para sa mag ina ko. Bukas na bukas din iiwan ko ng ang mundo ng mafia alam kung maiintindihan din ako ni Harvy.

Kinabukasan maaga akong nagising upang magpaalam sa bagong boss ko.

Nangmakarating sa mansyon nadatnan ko ang bagong boss namin na nag aagahan kasama ang iba kung kasamahan sa mafia.

'' Good morning boss '' Bati ko kay harvy.

'' Ikaw pala, sumabay ka na sa amin kumain lorenz '' Yaya nito sa akin.

'' Wag na boss, naparito lang po ako upang magpaalam sa inyo '' pag uumpisa ko.

'' Paalam? san ka pupunda pre '' tanong ni Vien.

'' Gusto kung lumagay sa tahimik ''

'' Hindi kita maintindihan '' takang tanong ni Boss harvy.

'' Gusto ko nang iwan ang mafia, at lumagay na sa tahimik alang - alang sa asawa ko ang sa magiging anak ko. Sanay payagan nyo ako ''

'' Nag asawa kana pre? kailan pa? bakin di mo kami ininvite? '' sunod sunod na tanung ni ng mga kaibigan ko.

'' Ang totoo di pa kami kasal, Nagpaplano palang siguro after nyang manganak '' sabi ko na ikinagulat nila.

'' Magiging tatay ka na?! talaga pre?! wooohhhh '' Sigawan nila.

'' Sinong malas na babae naman yan pre huh?'' Tanong ni boss.

'' Si Ashley boss '' Sabay kamot sa batok.

'' Hahahaha sabi ko na nga ba, pag dating kay ashley di uso sayo ang condom. hahaha pero masaya ako dahil pinili mo ang nararapat wala naman akong karapatan na pigilan ka, dumalaw ka nalang dito pag may free ka at wag masyadong mag babad kay ashley baka di pa sya nakapanganak nasundan na naman ng isa '' Biro pa nito.

'' Salamat boss, dadalaw nalang po ako dito ''

'' Mamimiss ka namin pre, sana maipakilala mo sa amin yung nanay na anak mo '' sabi ng mga luko.

'' Segi, isang araw ipapakilala ko kayo at ikaw din vien mag seryoso kana kay Charmaine pasalamat ka sya lang nakakatagal sayo kayat mag tino ka na.. segi mauna na ako at baka hanapin pa ako ni Ashley '' Paalam ko sa kanila.

Simula sa araw na to. Hindi na ako konektado sa mafia. Magsisimula na ako sa panibago kung buhay kasama si Ashley at sa magiging anak namin.

************************

3rd Person POV.

Pagkatapos ng mahaba-habang byahi ay nakarating na rin ako. Matagal-tagal na din simula ng umalis ako dito sa pilipinas na miss ko ang buhay ko dito kasama ang mga kaibigan at ang taong mahal ko.

Im back for good at hindi na ako aalis pa. Excited na akong makita syang muli gusto kung magpaliwanag dahil hindi ako nakapagpaalam nung umalis ako. Sa pagbalik ko babawi ako sa mga pagkukulang ko sa kanya.

************************

My God sino kaya tong nagbabalik.

Hmmmm... lets find out next chapter. 19 more chapter at Epilogue na malapit na talaga mag bye2x ang ANGELS.

ImADearestChildOfGod

ANGELS  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon