Chapter 31 *[ PAALAM ]*

957 15 0
                                    

CYRIL POV.

Ito ang araw na ayokong mangyari, ang araw na ayaw kung dumating pa ang araw na mamaalam ako sa kanya. Masakit man pero kailangan dahil ito ang misyon ko.

Nagbihis na ako upang samahan si Harvy sa libing ng tatay nya. Nang makarating na ako sa Chapel nasa labas na silang lahat at nag hahanda sa paghatid ng mga labi ng ama nito sa Sementiryo.

Nilapitan ko agad si Harvy. Kung titingnan ay parang ok lng ito but i know deep in side ay makatagos sakit si Harvy. At nagsimula na nga kaming maglakad papuntang sementeryo malapit lang naman ito. Habang naglalakad ay napansin kong nanginginig ang mga kamay ni Harvy agad kung hinawakan ang kamay nito upang maramdaman nyang andito lang ako pero pansamantala lng dahil mamaya ako naman ang mamamaalam.

Nang makarating sa huling hantongan ang mga labi ni Henry nag simula nang mag mesa ang pari at pagkatapos binigyan nang pakakataong makapagsalita sa huling habilin ang mga kapamilya nito. Unang nagsalita ang isang babaeng nag ngangalang elizabeth, sumunod ang kanang kamay nitong si Lorenz at panghuli si Harvy.

'' Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa kapamilya at mga kaibigan namin na laging nandyan sa panahong nakaburol pa si daddy at hanggang ngayong ililibing na ito. At sa Girlfriend kung na walang sawang samahan ako sa panahong lugmok ako. Marami talagang salamat-

* tears fall down* Dad, hindi ko inaasahan ang biglaang pagkawala mo sa buhay ko. Dad salamat kasi hindi ka naging pabayang ama sa akin. Tumayo kang bilang ina sa akin simula pagkabata dahil namatay si mom ng pinanganak ako, Pinuno nyo ang lahat nangpangangailangan ko at pagmamahal nyo sa akin. Hindi lang kita naging best Dad sa akin, Naging bestfriend din kita.
Alam kung hindi ko pinadama sa inyo kung gaano ko kayo kamahal at kahalaga sa buhay ko but dad Sobra ko po kayong mahal at halaga sa akin Im so lucky to have a dad ang a best budz like you. Mananatili po kayong buhay dito sa puso ko dad habang buhay '' Pagkasabi nun ni Harvy napuno ng luha ang buong paligid. Lumapit ako kay Harvy at niyakap ito.

Naramdaman ko ang sakit na bumabalot kay Harvy dahil minsan na rin ako nawalan ng magulang dahil kay Henry Rapoza.

Tapos nang inilibing si Henry at ilang oras nalang ako na naman ang mamaalam.

Malapit nang magtakip silim ng mag desesyon si Harvy na iuwi na ako.

*Sa Sasakyan*

'' Harvy wag mo nalang akong ihatid sa bahay. Ibaba mo nalang ako sa MOA.''

'' No, ihahatid na kita madilim na '' Harvy.

'' Hindi sa MOA nalang para makauwi ka na agad at pakapagpahinga ''

'' Hindi ok lang sa akin, ihahatid kita sa iny-

'' Pwidi ba Harvy!? Stop acting like a concern boyfriend!'' Singhal ko sa kanya.

I know nabigla ito dahil sa naging reaction ko.

'' Hey?.. Syempri Concern ako couz im your boyfriend at wag ka ngang mainit ang uli di bagay sayo '' Harvy.

'' Let end this '' Pagsisimula ko.

'' End of what?!'' Takang tanong ni Harvy.

'' Maghiwalay na tayo '' pagkasabi kung yun agad inihinto ni Harvy ang sasakyan.

'' WHAT?! Cyril naman wag ka ngang magbiro nang ganyan! hindi nakakatuwa '' Harvy.

'' Seryoso ako maghiwalay na tayo... Please ...'' Pakiusap ko.

'' Kung galit ka dahil hindi mo gustong magpahatid. Ok ! Fine!, Wag kalang nag dradrama nang ganyan'' Harvy.

'' Im Tired ''

'' Ako din naman ahh.!? pagod din ako dahil sa nangyari kay dadd-

'' PAGOD NA AKO HARVY!.. PAGOD NA AKONG MAGKUNWARING MAHAL KITA! KAHIT ANG TOTOO NAMAN HINDI KITA MINAHAL '' :'(

Pagkatapos kung sabihin yun ay agad akong bumaba nang kotse ni harvy at pumara agad ng taxi.

Im Sorry Harvy... Im Sorry...

* Phone Ringing*

Honey Koh Calling....

Sa una hindi ko ito sinagot ngunit nakatangap ako ng txt galing dito na ibabangga nya ang sasakyan.

'' Gago ka ba! Bungad ko agad dito.

[ thank God sinagot mo.. Hon sorry naman oh.. Magkita tayo please..] Harvy.

'' Diba sabi ko maghiwalay na tayo diba? hindi ka ba nakakaintindi huh!? Harvy? ''

[ Hindi ko talaga maintindihan.. dahil wala naman akong alam na nagawa ko sayo na ikinaganyan mo .. hindi talaga kita maintindihan.. ] Harvy.

'' Gusto mo ipaintindi ko?! Nakipagrelasyon lang ako sayo upang makaganti ako kay Shaene.. Yung mga sinasabi ko sayo? hindi yun totoo.. Hindi kita mahal.. hindi kita minahal at wala akong planong mahalin ka kayat tapos na tayo! ''

[ Hon.. Dont do this to me.. Please .. alam mo namang mahal na mahal kita diba? at nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan ... Wag mo namang gawin sa'kin to Please.. Nagmamakaawa ako sayo ...] Pagmamakawa ni harvy sa akin.

Iyak na ako ng iyak dahil sa sobrang sakit.

'' Im sorry harvy pero yun ang totoo.. Sana mapatawad mo ako ... Paaalam '' at tinapos ko na ang pag-uusap namin at ang lahat sa amin.

Iyak ako ng iyak hanggang sa makarating ako sa bahay. Nag-aabang pala silang lahat sa akin sa sala.

'' Tapos na!.. Mission accomplish!.. Pero di ba dapat masaya ako?! dahil nagawa ko ang trabaho ko? pero bakit ganun?.. Hindi ako masaya... Nasasaktan ako sa amin ni Harvy.. Para akong mamatay sa sobrang sakit... Hindi ko kaya.. dinudurog ang puso ko... ''

Lumapit agad si Shek sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Mahal na Mahal ko talaga si Harvy.. Mahal na Mahal...

************************************************************************************************************

A.N

Yung felling na naiyak ako .. hahaha ka inis .. damang dama ko e..

Sorry kung bitin lage sa u.d ko e sa ganun ako eh hehe..

ImADearestChildOfGod

ANGELS  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon