Level 1: Pilot

4.2K 149 6
                                    

Hingal na hingal akong tumatakbo mula sa kanila. Mga Sirene class ang ilan sa mga ito at may iilan naman na Dragon class kaya medyo may kabagalan sila sa paghabol sa akin. Mabuti na lang pala ay fairy class ako.

Hindi ko nga lubos maisip na mapapasok pala ako kaagad sa gulo pagkarating ko rito. Basta ang tanging alam ko lang sa ngayon ay may hinahanap akong tao, at kilala siya sa mundong ito.

"Hindi ka na makakatakas dito," sigaw ng isang Sirene class. Bakit nga ba kasi ako nandito?

Mahimbing ang pagkakatulog ko nang gisingin ako ni Mommy. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata ngunit bumungad kaagad sa akin ang sikat ng araw na dahilan kaya hindi ko ito masyadong maibukas.

Itinakip ko na lang ang kamay ko ro'n sa maliwanag na parte para hindi masiyadong masilaw as I hum in response.

"Bumangon ka na riyan, nasa ibaba si Zero. Hinahanap ka," sabi ni Mommy habang itinataas ang kurtina gamit ang isang remote.

Bigla akong napapikit. Napabuntong hininga ako sa narinig ko. Akala ko pa naman kung sino na para gisingin ako ng ganito kaaga, si Zero lang pala.

"Sabihin niyo mamaya na lang, natutulog pa ako," sabi ko. May narinig akong umubo, at nakita ko siyang nakasilip sa pinto dahil medyo nakausli ito't hindi nakasarado. Napatayo tuloy ako sa hinihigaan ko ng wala sa oras atsaka binalot ang buong katawan ko ng kumot dahil naka-pajama lang ako!

"What the hell?!" sabi ko sa sobrang pagkabigla. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.

Pumasok na siya sa loob, at bumungad sa akin ang isang mestizo-ng lalaki na napaka-formal na suot. Pinigilan ko tuloy ang sarili kong tumawa. Ang aga-aga kasi pero naka-business attire na ito kaagad, mukha tuloy siyang maga-attend ng lamay o kung ano.

"O ikaw na munang bahala riyan, maghahanda lang ako sa baba ng makakain niyo."

"Salamat, Tita," sabi ni Zero sabay ngiti naman ni Mommy, at kami'y iniwan na dalawa. Botong-boto kasi siya kay Zero. Wala naman na raw kasi akong hahanapin sa taong 'to.

Surely, he has the looks, the money, but what's wrong about him is his attitude.

Masyado kasing mahangin, at feeling gwapo lagi sa sarili itong taong 'to.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" pang-iinis ko dahil pinagpapawisan na ang mukha niya. Napakunot tuloy ang noo nito saka ako siningkitan.

"You have a better idea? Wala naman kasi akong choice dahil ito 'yong gustong ipasuot ni Daddy when offering a deal."

"Ano na naman ba kasi 'yan ha? Gaano ba kasi kaimportante 'yan na kailangan pa talaga akong gisingin ng ganito kaaga? Magaalas-otso pa lang oh," angal ko sa kanya sabay turo sa alarm clock ko na napakatong sa isang maliit na cabinet.

He sighed. "My Dad is looking for someone."

"E 'di sana sa pulisya ka pumunta, may imbestigador sila roon. Mukha ba akong hanapan ng nawawala?" pambabara ko sa kanya na sanhi naman ng pagkaseryoso ng mukha niya.

"Enough jokes already. This is important, Samantha," malamig na sabi niya kaya naman nagseryoso na ako. Hindi talaga mabiro itong taong 'to, lagi na lang mukhang galit.

"What is it?" I asked. Sasagot na sana siya pero nagsalita si Mommy mula sa ibaba.

"Breakfast ready! Bumaba na kayo riyan!" Napalingon kami pareho, at bago kami bumaba ay may inabot itong mga documents.

Tiningnan ko ito isa-isa, at may isa roon na napaka-pamilyar sa akin.

"Xzard Online?" sabi ko sa sarili ko na dahilan kaya napalingon siya sa akin. Narinig niya ata 'yong sinabi ko kaya nagpatay malisya na lang ako sabay upo sa sofa.

Xzard Online™: Reset v.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon